Umuuga Ang Kama 5

9.6K 68 2
                                    

Chapter 5

Ang pag-aasawa ay hindi biro at hindi basta basta pinapasok. Hindi yan ice cream na kapag natunaw ay wala ka ng gana, parang Magnum yan na kahit masakit sa bulsa ay bibilin mo pa rin at hindi ka magrereklamo na mahal eh. Pero ang Magnum ay ice cream pa rin, natutunaw, sana kahit na wala ka ng gana ay ubusin mo pa rin hanggang sa huli niyang patak. Tutal ang popsicle stick niya ang tanda na minsan, kumain ka ng Magnum at inenjoy mo ito. Sa huli hindi ka nagsisi na ito ang binili mong flavor dahil pinili mo ito ng mabuti at naging parte ito ng iyong buhay at tiyan.

Alas-dos ng madaling araw, kasalukuyang nananaginip si Arianne na kumakain siya ng ice cream nang mapalingat siya dahil umuuga nanaman ang kama. Nanatili siyang nakahiga, nakatingin sa kisame at nakikiramdam ng maari pang mangyari. Ilang minuto ring umuuga ito pero natigil rin agad. Nakakapagtakang siya lang ang nagising habang si Anjo ay sarap na sarap sa kanyang tulog. Napangiti siya matapos masilip ang sarili sa ilalim ng kumot, naisip niya na napagod nanaman niya ang nobyo sa kanilang pagniniig.

Pumikit siya pero nang malapit na siyang lamunin ng antok ay parang may humahaplos sa kanyang hita pababa sa kanyang paa. Lumingon siya kay Anjo at nakitang natutulog ito. Binulungan niya ito sa tainga, "Ikaw ha? Gusto mo pa bang humirit?" pero hindi ito sumasagot. Napamulagat siya nang makitang ang dalawang kamay ni Anjo ay nakikita niya, nakayakap sa kanya ang isa at ang isa nama'y nakadagan sa sariling ulo. Nagpanic siya at nagpapadyak ng kanyang paa pero wala siyang tinatamaan.

Dahil na rin sa likot ni Arianne ay nagising si Anjo. Nakita niyang hingal na hingal ang nobya, "Oh hon, anong nangyari sayo? Bakit hingal na hingal ka? Is it a bad dream?"

Ilang segundo pang nakatingin si Anjo kay Arianne kasabay ng pag-ihip ng hangin mula sa bintana. "Ngayon ka pa lang ba gising? 'Wag mo kong pinagtitripan Anjo, seryoso ako."

"What? Kagigising ko lang dahil naglilikot ka dyan. Ano bang nangyayari sa'yo?" sagot ni Anjo dahil sa bagong gising ay maiksi pa ang pasensya.

Humupa ang hingal ni Arianne at bumalik sa normal ang kanyang paghinga pero nagsimula namang pumatak ang luha niya. "May iba tayong kasama dito Anjo. Hindi na normal ang nararamdaman ko."

Alam ni Anjo ang tinutukoy ni Arianne. Hindi na biro ang mga nangyayari, kailangan may gawin na sila. Niyakap lang niya si Arianne hanggang sa makatulog ito uli.

Alas-syete na pero tulog pa rin si Arianne kaya si Anjo na ang naghanda ng almusal. Kahit maleleyt siya sa trabaho ay sinubukan pa rin niyang pasayahin siya kahit na sa simpleng bagay lang. Si Arianne ang nagpapasaya ng buong araw niya at siya rin ang kumukumpleto nito. Kung wala si Arianne parang walang araw ang mundo at puro kadiliman ang buhay niya. Ipinaghanda niya ng breakfast in bed ito.

"Honey..." sabi ni Anjo at dinampian ng halik sa labi ang nobya.

Hindi pa rin ito umimik. Parang malalim pa ang tulog nito. Hinaplos niya ang buhok ni Arianne at pinagmasdan ang mala-diwata niyang nobya. "You and I will be better than Aladdin and Jasmine. Kahit ano ang pagdadaanan natin, parang pison tayo na hindi mahaharangan. I love you Arianne." bulong nito at hinalikan uli niya sa noo.

"I love you too Anjo." sagot naman ni Arianne habang nakapikit pa.

"Bad breath ka hon, toothbrush ka muna." pagbibiro nito at nakitang sumimangot si Arianne. "Just kidding. Breakfast in bed hon." ngiti ni Anjo.

"Wow thanks. Ang sweet mo talaga, pwede bang ikaw ang dessert?"

"Gotta go." sabi nito. "Baka maubos mo ako at malate pa ako." sabi ni Anjo at kumindat. Iniwan ni Anjo na nakaplay ang isang kanta.

Hi.

Girl you just caught my eye,

Thought I should give it try

Umuuga Ang KamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon