Chapter 4
Minsan hindi maganda ang sumosobra sa biro at mamili ka ng bibiruin mo. Baka kasi tinakot mo ng multo ang isang matandang may sakit sa puso. O kaya ay ginulat mo ang kaibigan mong bagong gising, nagkakasagutan kayo hanggang sa maging magkaaway na. Ang dati mong bestfriend ay naging worst enemy mo na. Daig niyo pa sina Spongebob at Patrick na nag-away dahil nabawasan ng isang star ang kanyang outstanding record. Madalas nauuwi sa away ang sobrang biruan. Sabi nga sa kasabihan, "Biruin mo na ang lasing, 'wag lang ang bagong gising." Sana nga bombilya at itlog lang ang sagot sa mga magkaibigang nag-aaway.
Halos sabay gumising ang magkasintahan mga alas-singko ng madaling-araw dahil naghihilaan sila ng kumot. Nakapikit pa si Anjo habang hinihila sa nobya ang kumot habang si Arianne naman ay may balak ng tumayo at magtapis ng kumot dahil sa hubad na katawan. Hindi nakapagtimpi si Arianne kaya nang saktong hihilain uli ni Anjo ang kumot at bigla niya itong binitiwan.
BLAG!
"Aray! Bakit mo naman binitiwan?" pupungas-pungas na tanong ni Anjo.
"Nainis na ako eh." patampong pagtalikod nito sa nobyo.
"Nakikipaglaro lang naman ako eh." sabi nito at tumayo mula sa pagkakahulog. Inayos nito ang kumot na nahulog kasama niya pero parang may nakikihila rin sa kanya. Hinayaan niya na lang muna ito at kinuha ang unan at ibinato kay Arianne. Iniwan niyang nakakalat sa sahig ang kumot at hubad ding lumapit kay Arianne.
"Para kang bata." sabi ni Arianne nang makalapit si Anjo sa kanya. Yumakap ito mula sa likod at humahalik sa kanyang leeg.
"Ang ganda mo talaga kahit na nagtatampo ka."
"So gusto mong magalit ako?"
"Wala akong sinabing ganyan. I just value the priceless treasure in my life."
"Asus! Nambola." sagot ni Arianne at ngumiti. "Magbibihis na ako, ikaw rin, para makapagluto na ako."
"Pwede naman mamaya 'yan."
"Ano ba? Break time muna."
"Ok sige pero kiss muna." sabi ni Anjo at tumulis ang nguso.
Hindi naman siya ipinahiya ni Arianne. Dinampian niya ito ng kanyang labi. "Magligpit ka muna sa kwarto natin."
"Your wish is my command." sabi ni Anjo at yumuko pa na parang pinaglilingkuran ang kanyang prinsesa.
Pinapanood niyang nagbibihis ang nobya habang inaayos ang unan at higaan. Muli niyang dinampot ang kumot at maayos na itinupi ito. Naalala niya ang pwersang nakikipaghilaan sa kanya sa kumot kaninang hinihila niya ito noong bumagsak siya pero ngayon ay walang kahirap-hirap niyang naayos ito. Hindi na niya ito pinansin at nagbihis na rin.
Alas syete ng umaga nang umalis sina Arianne at Anjo upang asikasuhin ang kanilang kailangan sa kasal. Tinawagan ni Anjo ang kanilang coordinator para balitaan sila sa mga pangyayari. Maayos na ang schedule ng chapel at ng pari. Pwede rin raw nilang tignan ang designs sa gagawing reception at sa mismong chapel, magkikita sila sa botique at tutuloy sa isang resto.
"Sukat niyo po ang gown." sabi ng babae.
"Kailangan ba? Kasi..." nag-aalangan si Arianne na isukat ito dahil sa pamahiin.
"Honey?"
"Baka kasi 'pag sinukat ko-"
"Hindi matutuloy ang kasal?"
Tumango lang si Arianne.
"Huwag ka ng maniwala doon. Look. May magagawa ba ang trahe de boda na 'yun para patigilin ang kasal? Alangan namang sumigaw ito ng ‘Sandali! Tutol ako!’" pagbibiro pa ni Anjo. "Baka sa mismong araw ng kasal natin masikip pala sa'yo or maluwag, baka magkawardrobe malfunction tayo."
BINABASA MO ANG
Umuuga Ang Kama
RomanceAng maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ay kailangan (kung hindi pa sila marunong magwattpad ay kailangan niyo muna silan...