Umuuga Ang Kama 9

5.1K 47 0
                                    

Chapter 9

Maraming tao ang nakakaranas ng near death situation at kung anu-ano ang nakikita nila. Ang iba ay nakakakita ng liwanag, isang puting liwanag na parang isang bituin na nag-aanyayang lapitan ito. May nakakakita ng isang spiral na daan mula sa isang napakadilim na kwarto. Ang iba ang lumulutang at nakikita ang iba't-ibang sitwasyon sa iba't-ibang parte ng mundo, madalas ay mga pamilya nila at mga mahal sa buhay. Habang sa Ice Age naman ay isang malaking acorn ang nakita ng isang squirrel o tinatawag na Scrat sa isang malaking gate na puno ng ulap.

Sabi nila ay ito ang purgatoryo, ang iba ay piece of heaven daw ang nakita nila pero isa lang ang alam ko; kailangan kong gumawa ng mabuti rito sa earth.

"No! Ayoko Benjie! Ilang linggo na lang pwede na eh." boses ng isang babae. Nakikita ni Arianne ang isang magandang babae, sexy rin ito gaya niya at parang nakikipag-alitan ang lalakeng may pangalang Benjie sa kanya.

"Ano pa nga ba ang pinagkaiba ng ngayon at sa malapit na buwan? Mahal naman kita Marielle, kung may mabuo man, magpapakasal na rin tayo eh. Sige na pagbigyan mo na ako." sabi ng lalake at hinalikan sa leeg ang babae. Pero nanlalaban ang babae, kaya naitulak ito sa kama.

"Benjie?! Lasing ka eh." sabi nito habang umaatras palayo sa nobyo.

Parang wala sa sarili ang lalake na naghubad ng kanyang polo at lumapit kay Marielle. Wala namang alinlangang sinampal niya si Benjie. Malakas pa sa kalaksing ng kaldero ang sampal na dumapo sa pisngi ni Benjie. Wala namang lamok pero kailangang tumama ng palad ni Marielle para magising ang lalaki sa kahibangang ginagawa nito.

"Magagawa natin yan sa tamang oras. Gagawin ko lahat ng ipagagawa mo, lahat ng pantasya mo gagawin natin kapag kasal na tayo." maluha-luhang sabi ni Marielle.

Mabagal na kumilos naman si Benjie at umupo sa gilid ng kama. Hindi ito nagsasalita, nakayuko lang siya. Nakatulala lang ito at nakatingin sa ilalim parang may kung ano ang bumubulong sa kanya sa tainga at winawasiwas niya ang kamay niya na parang may umaaligid na langaw o kung ano mang lumilipad sa tainga niya. Maya-maya ay tumayo ito at lumabas ng kanilang kwarto.

Akala niya ay nahimasmasan na ito sa kanyang pagkalasing nang bumalik. Imbes na matuwa si Marielle ay natakot siya. Gusto na niyang sumigaw pero ayaw niyang mag-eskandalo. May dalang posas at lubid si Benjie at ang mata nito ay parang sinapian ng demonyo. Nakangisi siya at halatang may binabalak na hindi maganda.

"'Wag. 'Wag Benjie. 'Wag mong gawin 'to." umiiyak na sabi ni Marielle habang tinitignan lang si Benjie na iposas ang kanyang kamay at itali sa headboard ng kama. Hindi siya ang Benjie na kilala ni Marielle, ibang Benjie ang nasa harap niya ngayon. Mabait si Benjie, maunawain at pasensyoso, nagawa nga niyang maghintay sa kanilang kasal at linigawan siya ng isang taon pero bakit niya nagagawa ito?

"Alam mo bang pinagtatawanan ako ng mga kasama kong pulis dahil hindi pa kita nakukuha?" sabi nito habang nakatingin sa kanyang tinatali. "Tapos, kapag may lakad sila, puro pambababae ang ginagawa nila kaya hindi ako sumasama. Ngayon matatanggal ako sa trabaho dahil sa kabalastugan nila! Ikaw na nga lang ang magbibigay ng ligaya sa'kin, tatanggihan mo pa ako?"

Umiiyak lang si Marielle. Sobrang depressed ang nobyo niya, hindi man lang niya naintindihan. "Pero Benjie, hindi lang sex ang dahilan ng pagiging masaya natin 'di ba?"

"Bakit sila? Ang saya nila? Gusto kong malaman ang dahilan! Nagpapakasasa sila hanggang mamatay! Bukas, tandaan nila, wakas na nila bukas!" sigaw nito at sinira niya ang blouse na suot ni Marielle.

Nakapikit lang siya habang hinahayaang maglakbay ang labi ng nobyo. Wala na siyang magawa. Hindi siya makapalag, tanging luha lang ang malaya sa kanya ngayon. Alam niyang mali pero gusto niyang paligayahin ang nobyo niya kahit na masakit sa kanyang kalooban. Kagat-kagat niya ang labi habang nararamdaman ang dila ng kanyang nobyo sa kanyang pagkababae.

Umuuga Ang KamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon