Chapter 14
"Mag-iingat ka." sabi ni Anjo habang nagkukuwento sa nagmamanehong si Arianne sa isang ambulansya na itinakas nila sa ospital. Wala man lang naghinala mula sa ospital.
"Kaya ko 'to. Gusto mo karera pa tayo kapag ok ka na eh." pagyayabang naman niya. May background rin naman siya sa pagmamaneho dahil naturuan siya ng kanyang tatay kaya lalo niyang binilisan ang pagmamaneho.
"Dahan-dahan lang hon..." todo kapit naman si Anjo sa pinto ng ambulansya para kung sakaling may mangyaring hindi niya inaasahan ay madali niyang mabubuksan ang pinto at tatalon palabas.
"Teka, saan ba ang papunta kina Benjie?" tanong nito at unti-unting binagalan at itinatabi ang sasakyan hanggang huminto sila.
Napasapo naman ng noo si Anjo. Pinagmasdan niya ang paligid, "Diretso lang sige. Basta 'wag masyadong mabilis mamaya kakanan tayo."
Pinaandar na ni Arianne ang sasakyan at tinahak ang daan. Tahimik lang sila sa buong biyahe nang magtanong si Arianne. "Hindi mo pa ba ikukwento ang kinalaman mo kay Marielle?" sabi nito habang nakatingin sa harap.
"Sige na nga. Tutal malapit na rin tayo."
Noong gabing yon hindi ko alam ang ginagawa ni Benjie o kung nasaan man siya. Tinawagan ko siya dahil naholdap ako at magpapatulong akong magpablotter sa police station dahil alam ko naman na doon rin siya sa stasyong pinuntahan ko. Hindi ako inaasikaso ng mga kasamahan niyang pulis. Ilang oras kaming naghintay at nakipag-argumento pero wala kaming napala.
"Mukha namang mayaman yang kasama mo Benjie eh. Ok lang na mawalan din yan paminsan-minsan." sabi ni Paco sa'kin. Hindi nila sineseryoso ang pagtatanong sakin at halatang mga bangag sila sa kung anumang droga.
Mula sa pagkakaupo ko ay bigla na lang lumapit si Benjie kay Paco at dumapo ang kamao niya sa nakangising mukha nito. "Pare tama na." kita ko rin ang mukha ni Benjie noon na parang nakainom naman. Bagsak sa sahig si Paco habang nakapatong naman si Benjie sa kanya.
"Mga p***ng *na niyo! Wala kayong kwentang mga pulis!" akmang susuntok pa sana si Benjie pero tinutukan siya ni Raul sa batok. Alam kong naramdaman ni Benjie ang malamig na bakal sa kanyang batok kaya napatigil rin siya kaya isang sapak ni Paco ang nagpahiwalay sa kanila.
"'Wag kang matapang pre. Baka makalimutan ko ang pinagsamahan natin. Teka, meron nga ba?" seryosong sabi ni Raul.
"Hayaan na lang natin." sabi ko naman kay Benjie habang nakatingin kay Raul. Natakot akong baka dumanak pa ang dugo rito. Baka masalvage pa kami kapag ipinagpatuloy pa namin ang pagrereklamo.
Parang natauhan naman si Benjie. "Si Marielle!" sabi nito. "Mabuti pa ngang umalis na kami. Wala kaming mapapala sa inyo. May araw rin kayo." pagpapatuloy pa nito.
Inabutan niya ako ng limangdaang piso para makauwi ako ng ligtas. "Pasensya na pare hindi kita maihahatid, nagmamadali lang ako. Masama ang kutob ko kay Marielle, nag-aalala ako. "
"Sige tol. Salamat, kaya ko na 'to."
"Ingat pre."
Matapos noon hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari kay Benjie. Hindi ko alam na dahil sa akin kaya nahiwalay si Benjie kay Marielle at hindi niya nailigtas ito. Hindi ko alam na babalikan niya tayo dahil lang doon.
Saktong natapos ang kwento ni Anjo ay isang nagmamadaling fire truck ang nasa maling lane ng daan at muntik nang masalpok ang sinasakyan nina Arianne. Papikit na kinabig ni Arianne ang manibela at ang pagpreno. Bakit nga ba napakamalas nila sa pagbibiyahe?
Parehong nakaiwas ang dalawang sasakyan. Ang fire truck ay nabangga sa isang poste ng kuryente, ipit ang mga tao sa loob. Tumatagas ang tubig nito na parang fountain na nagpapaligo sa buong trak. Parang Final Destination, nabasa ang poste ng kuryente pati ang buong trak kasama ang mga bumberong ipit sa loob. Napakalaking boltahe ng kuryente ang dumaloy sa mga katawan nila. Hindi nagtagal ay sasabog ang fire truck pero wala pa ring taong lumalabas mula rito.
Ang ambulansya naman na sakay nina Arianne ay bumangga rin sa isang puno malayo sa fire truck. Hindi naman gaanong malakas ang pagkakabangga nito di gaya ng fire truck na todo talaga ang pagkakayupi. Di kalayuan sa fire truck ay ang imahe ng babae, nakatingin ito sa poste na patuloy pa ang pagspark.
"'Yan nga ba ang nangyari? O kwentong barbero lang?" walang emosyong makikita sa mukha ni Arianne. Hindi mo mababasa kung nagbibiro lang ba siya o seryoso siya sa pagdududa nito.
"Syempre naman hon totoo ang sinasabi ko. 'Di ka ba naniniwala?" pagtatakang tanong naman ni Anjo habang matamang tumitingin sa fire truck pero hindi niya makita ang nangyayari dahil nabasag ang mga salamin at may nakaharang sa likuran.
"Ganon ba kalalim ang dahilan para maghiganti sa atin si Marielle? Baka naman may ginawa ka sa kanya nang makaalis na si Benjie? Bakit hindi ko man lang yata alam na naholdap ka?" pambibintang ni Arianne. Hindi niya maintindihan pero parang may bumubulong sa kanya na pagdudahan ang nobyo sa ganitong sitwasyon. Parang lahat ng sinasabi nito ay kanyang sinusunod.
"Anong sinasabi mo?" di makapaniwalang sabi ni Anjo.
"Anjo, sinasabi ko lang ay posibilidad. Pwedeng sinadya mong tawagan si Benjie para mapagsamantalahan si Marielle." sinulyapan niya sandali ang nobyo at inasikaso ang pag-aalis ng sarili sa pwesto. Hindi naman sila naipit pero may dugo sa kanyang noo tanda na tumama ang ulo niya sa manibela.
"Hindi ko gagawin yon ano ka ba? Parang hindi mo ako kilala!" depensa naman ni Anjo at tinangka ring umalis.
"Kilala na nga ba kita?" muli niyang nakita ang mukha ni Arianne. Hindi niya ito mabasa. Hindi niya mahulaan ang iniisip nito.
"Hon-"
"Pag-alis ni Benjie ay sinalisihan mo siya. Kinuntsaba mo ang mga kasamahan niyang pulis para patagalin siya bago makauwi muli. Nakita mong nakaposas at nakatali si Marielle kaya napadali na ang plano mo. Matapos mong paligayahin ang sarili mo, nagmamadali kang tumakas pero may tinamaan kang bagay na maaaring masunog. Hindi mo na binalikan dahil baka mahuli ka ng kumpare mo." paglalahad ni Arianne. Hindi aakalain ni Anjo na ganito kalawak mag-isip ang mapapangasawa niya.
"Paano mo nalamang nakaposas at nakatali siya?" balik na tanong naman ni Anjo.
"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Anjo, kung ako ikaw, magkakaroon rin ako ng pagnanasa kay Marielle dahil sa ganda niya."
"Hindi pwedeng bigla mo na lang alam yan! Wala kang ebidensya sa mga sinasabi mo! Huwag mo akong pagbintangan ng ganyan, alam mong hindi ko magagawa yan!" pagtataas ng boses ni Anjo.
"So, guilty ka?"
"Where the hell did these came from Arianne! Magagawa mo ba akong pag-isipan ng ganyan? Wala ka na bang tiwala sa'kin?"
"Oo naman. Sinasabi ko lang naman ay ang posibleng nangyari pero kung makasagot ka parang guilty ka?"
Gulat na gulat si Anjo sa sinasabi ni Arianne. Hindi siya sanay makipagtalo rito dahil hindi siya nito pinaghihinalaan niminsan. Hindi niya aakalaing pag-iisipan siya nito ng masama. Isang komplikadong sitwasyon pa ang naisip nito pero... posible.
~itutuloy
BINABASA MO ANG
Umuuga Ang Kama
RomanceAng maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ay kailangan (kung hindi pa sila marunong magwattpad ay kailangan niyo muna silan...