Chapter 12
"Anjo..."
"Anjo..."
Paulit-ulit na sambit ni Arianne habang siya ay natutulog. Hinayaan lang siya ng kanyang nurse na patuloy pang matulog. Nakangiti lang ito dahil nararamdaman niya na love is in the air kahit na parehong may dinaranas na hirap ang magkasintahan. A dream fairy tale ng isang babae ang magmahal ng isang taong handa kang ipaglaban hanggang sa huli niyang hininga, yung sweet na hindi corny, yung tapat at hindi nagsisinungaling at lagi niyang pinaparamdam na mahal ka niya hindi lang sa pamamagitan ng halik kundi sa iba pang mga bagay na ikinasosorpresa ng babae. Pangarap rin ng lalake na magmahal ng isang babaeng tatanggapin siya sa kung anong meron siya at handang magtiis sa kanyang kakulitan. Yung handa siyang pagkatiwalaan sa anumang oras, lagi ko ngang sinasabi sa mga nanghihingi ng advise ang kasabihang ito, "To trust you is my duty, to prove me wrong is your choice."
"Sana maging ganito rin katibay ang love story ko." kinikilig pang sabi ng nurse.
"Nurse..." gulat pang nagreact ang kanyang nurse na akma nang aalis. Matapos ang tatlong oras ng aksidente ni Benjie ay tulog pa rin si Arianne at ngayon lang gumising. "Buhay pa pala ako." pagpapatuloy niya.
"Oo nga po ma'am eh, bakit niyo kasi naisipang lumabas ng kwarto niyo?" sagot ng nurse.
"Si Benjie! Nasaan siya! Aray!" pabigla siyang bumangon pero sumakit ang kanyang likuran.
"Ma'am, 'wag muna kayong masyadong maggagagalaw baka mabigla ang lukod niyo. Bahala ka, mauuna pang gumising si sir Anjo sa inyo." pagbibiro ng nurse.
Napatingin naman agad si Arianne kay Anjo. Humihinga pa ito, pero napakalalim pa rin ng tulog. Napabalikwas uli si Arianne nang makitang gumalaw ang daliri ni Anjo. "Nurse! Nakita mo ba yun? Gumalaw ang daliri niya." maluha-luha pa niyang sabi.
"Opo ma'am. Subukan niyo siyang kausapin." lumapit ito kay Arianne upang alalayan siya.
"Anjo..." nangingilid ang kanyang luha. "Naaalala mo ba, noong una tayong nagkita?" sabi nito habang hawak ang kaninang kamay kung saan gumalaw ang daliri ni Anjo. "Nabangga kita pero ikaw pa ang humingi ng sorry sa'kin. Tatanga-tanga kasi ako, pero alam mo, lalo akong napatanga noong abutin mo yung kamay mo at magpakilala." napapangiti si Arianne kahit na sumisinghot ng sipon at naluluha. "Tatawa-tawa ka pa noong sinabi mong para akong nakakita ng artista, akala ko mayabang ka noon. Makulit ka rin kasi kaya 'di nagtagal nakilala kita. Nakilala ko ang taong dahilan ng pagtibok ng mabilis ng puso ko. Ang taong dahilan ng pagngiti ko mag-isa. Ang lalakeng nagpakilig sa akin kahit na hindi ako umiihi. Ngayon lang ako nahirapan ng ganito dahil nakikita kitang naghihirap. Anjo, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin. Pakiusap, gumising ka na. Hindi ako sanay ng wala ka na umaalalay sa akin kapag nahihirapan ako. Please..."
Sa haba ng pagdadrama ni Arianne ay walang naging tugon si Anjo. Malalim pa rin ang kanyang tulog, hindi na malaman ni Arianne kung paano iiyak, kung parang sanggol ba na umaatungol o tahimik na lang na ilalabas ang luha.
"Kasama niyo ho ba yung naaksidente kanina sa tapat?" pag-iiba ng usapan ng nurse. Hindi kasi niya mapigil ang pagtulo ng kanyang uhog kasabay ng kanyang luha dahil nadadala siya sa nararamdaman ni Arianne. Ramdam niyang galing sa puso ni Arianne lahat ng sinabi niya kanina.
Pinunasan ni Arianne ang luha, "Oo, kumpare ko siya. May importante siyang dapat sabihin kaya napalabas ako ng kwarto at-" nagulat siya nang maalala ang mukha ng babaeng may pilat bago siya mawalan ng malay.
"Bakit po?" takang tanong ng nurse.
"Ah... Kamusta ang lagay niya?" Hindi niya malaman kung paano itatanong dahil alam niyang namatay na ito sa sobrang lala ng kanyang dinanas.
"Critical po ang lagay niya pero buhay pa siya. Nakatulong po na dito lang siya sa harap nadisgrasya dahil agad siyang naasikaso ng mga doktor. Milagro na pong maituturing ng mga doktor ang pagtagal niya ng limang oras. May dalawang oras pa bago siya mamatay, gusto niyo siyang bisitahin? Ako ang bahala." Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa mga salitang ginamit ng nurse na ito. Parang normal lang sa kanya ang sabihing mamamatay na ang isang tao. Hindi man lang nagdahan-dahan.
"Pero hindi ko maiiwan si Anjo."
"Kayo ho ang bahala." pagkasabi nito ay nagring ang cellphone ng nurse. "Hello? Oo. Ok sige."
"Ma'am, hanap raw kayo ng lalakeng naaksidente kanina."
"Pero si Anjo..."
"Ma'am, naghihingalo na yung tao pero kayo ang hinahanap, malamang importante ang sasabihin sa inyo okaya-"
"WALA NANG MAS IMPORTANTE PA KAY ANJO!" mariing sabi ni Arianne. Parang isang empleyadong nasermon ng kanyang boss ang nurse sa pagkagulat. Hindi siya makapagsalita at hindi siya makagalaw.
Nakatitig lang si Arianne kay Anjo habang hinihimas ang ano niya, yung buhok. Parang tanda ng pag-aalala ni Arianne at pagkasabik na sana'y magising na ito. Ilang minuto rin na ang katahimikan ang naghari bago muling sibakin ito sa pwesto ni Arianne.
"Sino ang nagpasok sa akin dito sa kwarto noong nawalan ako ng malay sa pasilyo?" tanong ni Arianne.
"Ah... Nakita ko ho kayong bumagsak kaya nagpatulong ako sa mga lalakeng nurse." sagot nito.
"Hindi ba ako nawala sa paningin mo kahit saglit lang?"
"Hindi ho, lumingon lang ako pero may nakita agad ako na makakatulong."
"Wala ka bang nakitang kakaiba?" mahinang tanong ni Arianne.
"Ho? Ah-eh... Wala naman po."
"Gano'n ba?"
"Nagtataka lang ho ako kasi parang may tinitignan kayo sa harapan niyo bago ko nakitang bumagsak ng tuluyan ang ulo niyo."
"Hindi mo siya nakikita?" nagsimulang kilabutan ang nurse sa mga sinasabi ni Arianne.
"Sino ho?"
"Siya." sabay turo sa may pinto pero walang nakikita ang nurse. Natatakot na siya. Nagsimula ng manginig ang kanyang mga tuhod.
"W-wala naman po akong nakikita eh."
"Kaya hindi ko maiiwan si Anjo kahit na anong mangyari!" sa simula ay halos pabulong lang ang kanyang sinasabi pero nagtapos ang kanyang pangungusap sa isang malakas na punto. Kasabay nito ang pag-ihip ng malamig na hangin na naramdaman ng nurse. Tinignan niyang muli ang kanyang cellphone para tawagan muli yung kanina para sabihin na ayaw umalis ni Arianne pero wala itong signal.
"Ano po ba ang ginagawa niya doon?" takot na tanong nito kay Arianne.
"Nakatitig lang sa atin." Kitang kita ng nurse ang seryosong mukha ni Arianne na parang nagsasabing, 'Hindi ko pababayaan si Anjo.' Wala siyang maamoy na kahit na kaunting amoy ng pagkatakot mula rito, purong halimuyak ng pagmamahal ang bumabalot sa kwarto. Pero siya kulang na lang ay maihi siya sa takot, ni ayaw niyang gumalaw dahil baka isang galaw lang niya ay mahimatay na siya o ikamatay pa niya.
Nagring muli ang cellphone ng nurse. Mukhang may signal na siya. Tumingin muna siya kay Arianne na para bang nagtatanong kung ano ang gagawin.
"Sige, sagutin mo, wala na siya." sabi naman nito na parang nagkaintindihan.
Pinindot niya ang answer, "Hello. Ok."
"Ma'am, wala na raw po siya. May pinapasabi raw sa inyo, bisitahin niyo raw ang bahay niya paggising ni Anjo. Yun lang po."
~itutuloy
BINABASA MO ANG
Umuuga Ang Kama
RomanceAng maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ay kailangan (kung hindi pa sila marunong magwattpad ay kailangan niyo muna silan...