Umuuga Ang Kama 10

5.1K 41 0
                                    

Chapter 10

Ang chapter na ito ay patama sa mga hindi tama ang ginagawa. Mga pulitikong matataas ang bakod, mga pulis na walang kwenta at mga adik na naliligaw ng landas. Malayo pa ang eleksyon may mga pulitiko ng hindi sumusunod sa batas. Ito lang naman ang nakikita ng tao eh. Ang kurapsyon ay hindi namin nakikita pero nararamdaman. Kayo kayo lang ang nakakaalam ng mga baho niyo kaya bakit hindi natin subukan isalang sa fliptopan ang mga pulitiko? Senator Loonie & Congressman Abra vs. President Smugglas & Senator Sheyee. Sino ang bakla? Sino ang kurap? Sino ang mabaho at sino ang tanga? Sino ang may kuliling at sino ang puro lang nunal? Sino ang boto niyong mananalo?

Walang makakahalatang may milagrong nagaganap sa loob ng presinto ng San Agustin dahil nakapatay ang ilaw at wala ring taong lumalapit dito kapag dis-oras na ng gabi. Kung lalapit ka lang ay maririnig mo ang mga halinhing sa loob pati langitngit ng mga lumang lamesa sa loob ng presinto. Tatlong pulis at tatlong babae ang laman ng masikip nilang presinto. Tila hindi importante sa kanila ang kanilang uniporme dahil nakahanger lang lagi ang mga ito, kung hindi sa kanilang aparador o sampayan ay nakakalat lang ito sa sahig gaya ngayon. Hubo't hubad ang tatlo at parang nakikipag-unahan pa sa isang karera ng kabayo kung huminga ang mga ito.

"Tonyo! Ang ingay ng radyo mo!"

"Oo nga nakakaistorbo, malapit na 'ko eh!"

Reklamo pa ng dalawa sa ingay ng kalaskas ng radyo ni PO1 Tonyo. Hindi naman ito pinansin ni Tonyo bagkus ay lalong binilisan ang pagmamaneho ng isang maingay na babae. 'Di rin naglaon ay sinagot rin niya ang radyo.

"Intersection 3, may naaksidente, isang trak at isang kotse. Kailangan may rumisponde dito. Over!"

"Pakyu!" sagot naman ng Tonyo na halatang dismayado at hinagis ang radyo habang gumagasgas pa ito. Hinila niya ang isang upuan, kusa namang lumapit ang babae sa kanya nang umupo si Tonyo. "Buwiset! Mula nung magresign yung Benjie na 'yun hindi na ako nabakante. Dapat siya yung rumoronda, hindi ako eh. Dapat nakahiga lang ako dito at nagpapasarap! Raul, ikaw na pumunta." pagdadabog nito. Daig pa niya ang matandang may matagal ng problema.

"Ikaw ang tinawagan bakit hindi ikaw ang pumunta!" sagot naman ni Raul habang kalong ang isang babae. Humihithit pa siya ng damo na aakalain mong sigarilyo. "Ayan, si Paco. Mukhang nakaraos na rin eh."

"Mga gago pala kayo eh! Sa'kin niyo na nga binigay 'tong panget na 'to tapos ako pa ang paalisin niyo?" sabi nung Paco habang nakahiga at pinaglalaruan ang isang pakete ng shabu na aakalain mong asukal, dahil nakahalo nga ito.

"Nagrereklamo ka pa nakapatay na nga ang ilaw! Hoy 'wag niyong painitin ang ulo ko!" pag-aamok ni Tonyo.

Napatigil naman sa pagtatalo ang tatlo nang biglang lumakas ang tunog ng radyo. Nakakabingi na ito at parang mababasag lahat ng babasagin sa lugar na iyon. Tumigil ang ingay pero parang may nagsasalita sa kabilang linya. "Tulong! Tulong!" sigaw ng isang babae. "Benjie!" sigaw pa nito. Nagkakatinginan lang ang tatlo na parang hinahagilap pa ang isa't-isa sa dilim ng kwarto. Maya-maya ay bigla na lang sumindi ang ilaw kaya nagtitili ang mga babae, kanya kanya silang hila na ipantatakip sa katawan. Isa-isa din nilang kinuha ang mga damit nila, nagbihis at tumakbo na palabas.

"Haha! Iniwan nung isa yung panty niya!" pagloloko pa ni Raul.

"Bakit mo ba sinindi yung ilaw?" takang tanong naman ni Paco dahil malapit rin si Raul sa switch ng ilaw.

"Hindi ko sinindi." pagtanggi naman nito. Pagkasabi ay bigla na lang nabagsak pasara ang pinto at biglang namatay ang ilaw.

"Pare, 'wag kang magloko. Mapupundi na yan eh." wika ni Paco.

"Manahimik nga kayo! Ahhkkkk! Ahkkk!" biglang inda ni Tonyo. Nagpatay-sindi ang ilaw at kita kung paano tumalsik ang dugo mula sa leeg ni Tonyo. Pilit niya itong tinatakpan pero sadyang napakalaki ng sugat niya para pigilan ang pagdurugo. Naitutulak niya ang mga mesa at pilit tinatahak ang daan papunta sa pinto pero hindi siya umabot. Hinila ang paa niya dahilan para matumba siya at tumama ang ulo sa kanto ng mesa diretso sa mata.

Umuuga Ang KamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon