Kabanata VI. Disiplina ng mga Partido

2 0 0
                                    

Artikulo 1. Pagbabawal sa mga balimbing.

(1) Hindi pwedeng tumakbo para sa anumang posisyon ang sinumang umalis sa kanyang partido sa unang halalang magaganap matapos niyang umalis sa kanyang partido hanggang sa huling halalang magaganap bago ang pangalawang halalan para sa mga kasapi ng Kamara ng Mamamayang Pilipino na magaganap matapos niyang umalis sa naturang partido. Kung umalis ang sinuman sa kanyang partido, pwede niyang tapusin ang kanyang termino kung saan siya hinalal. Pero kung nakaupo siya sa halal na posisyon dahil sa partidong kanyang iniwan at hindi dahil tuwirang binoto ang kanyang pangalan, dapat siyang magbitiw sa pwesto. Sa ganitong kaso, pipili ang partidong kanyang iniwan ng kanyang kapalit.

(2) Hindi pwedeng italaga sa anumang posisyong pulitikal (politically-appointed) ang sinumang umalis ng kanyang partido. Magsisimula ang pagbabawal na ito sa oras na umalis siya ng kanyang partido at magtatapos sa pangalawang halalan para sa mga kasapi ng Kamara ng Mamamayang Pilipino na magaganap matapos niyang umalis sa kanyang partido.

(3) Dapat ding masunod ang mga pagbabawal na ito para sa mga lumipat ng partido.

(4) Hindi kasama sa mga pagbabawal na ito ang mga paghirang sa serbisyo sibil, sa mga hukuman, sa mga komisyong konstitusyonal, at sa militar, dahil sa mga ganitong kaso, dapat umalis muna sa kanilang mga partido ang mga itatalaga sa naturang mga institusyon bago sila maaaring manungkulan (nonpartisan).

---

Version 1.1, 20 Mayo 2021 (inayos ang pag-format o formatting)

Luma: 1.0, 1 Marso 2021.

Pangunahing Batas ng Republika ng Mamamayang PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon