Panimula / Preamble

28 0 0
                                    

Sa tulong ng Diyos, ginawa at pinasa namin, mga makapangyarihang mamamayang Pilipino, ang Pangunahing Batas na ito. Nawa'y maging daan ito sa:

(1) pagbubuo ng isang makatarungan at makataong lipunan;

(2) pagtatatag ng isang pamahalaang kakatawan sa aming mga pangangailangan at adhikain;

(3) pagtataguyod ng ikabubuti ng lahat;

(4) pag-aalaga at pagpapaunlad ng mga likas na yaman at iba pang mga kayamanan ng bayan; at

(5) pagtitiyak para sa aming sarili at sa mga susunod na henerasyon ang mga biyaya ng kalayaan at demokrasya, sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan.

Basehan: Panimula, salin ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987, ipinalimbag ng mga Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, 1991 (mula dito, tatawagin itong "PH").

-----

Version 1.1, 19 Mayo 2021 (inayos ang pag-format o formatting)

Luma: 1.0, hindi nakasulat ang petsa.

Pangunahing Batas ng Republika ng Mamamayang PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon