Kabanata II. Teritoryo

2 0 0
                                    

Artikulo 1. Saklaw ng territoryo.

Binubuo ang pambansang teritoryo ng Republika ng Mamamayang Pilipino ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito.

Basehan: Artikulo I, PH.


Artikulo 2. Panloob na karagatan (Internal waters).

Bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon

Basehan: Artikulo I, PH.


Artikulo 3. Karapatang pumili para sa sarili (right to self-determination).

Kabilang din sa pambansang territoryo ang mga lugar na malayang pumiling (right to self-determination) maging bahagi ng Republika ng Mamamayang Pilipino at mapasailalim ng Pangunahing Batas na ito.


---

Version 1.1, 19 Mayo 2021 (inayos ang pag-format o formatting)

Luma: 1.0, 2 Nobyembre 2020



Pangunahing Batas ng Republika ng Mamamayang PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon