Kabanata X. Pahabol

1 0 0
                                    

Artikulo 1. Bisa ng Pangunahing Batas na ito.

Magkakabisa ang Pangunahing Batas na ito sa parehong araw ng ratipikasyon nito ng taong-bayan na naaayon sa nakasaad na proseso sa ilalim ng umiiral na Saligang Batas.


Artikulo 2. Halalan sa ilalim ng Pangunahing Batas.

Dapat isagawa ang unang halalan sa ilalim ng Pangunahing Batas na ito sa loob ng anim na buwan pagkatapos ng ratipikasyon. Hindi ito pwedeng ipagpaliban.

Mananatili ang mga opisyal na nakaupo sa panahon ng ratipikasyon ng Pangunahing Batas na ito hanggang sa unang halalang nabanggit. Iiral pa rin ang mga taning sa panunungkulan (term limits) na nasa pinalitang Saligang Batas.

Dapat isagawa ang susunod na halalan matapos ang unang halalang nabanggit sa taas nang alinsunod sa mga patakarang nakasaad sa mga naunang kabanata.


---

Version 1.1, 20 Mayo 2021 (inayos ang pag-format o formatting at dinagdag ang Artikulo 2)

Luma: 1.0, 16 Mayo 2021

🎉 Tapos mo nang basahin ang Pangunahing Batas ng Republika ng Mamamayang Pilipino 🎉
Pangunahing Batas ng Republika ng Mamamayang PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon