Paramdam lang para alam 'nyo, aking dear readers, na ako'y buhay pa.
Naalala ko 'yung insidenteng sinupalpal ako ng bunso kong kapatid (four years old) ng muffin sa mukha dahil sinasabihan ko siyang wala na siyang leeg. Wala namang masama sa ginawa ko, 'di ba? Ginagawa ko lang ang primary role ko bilang panganay--maging bwisit sa buhay ng mga kapatid ko.
~~~~~
"Okay ka lang ba?"
Saka mo biglang mari-realize kung gaano pala kahirap sagutin ang tanong na 'yan.
May dalawa akong kaibigan, itago natin sa ngalang "Wan" at "Tu". Creative, 'di ba? Kwento nila 'to. Dedicated para sa kanila. Mga bida-bida eh.
Si Wan ay isang feeling tough guy na peyborit magkimkim ng mga lintik niyang frustrations, disappointments, anxieties, etcera. Tu, on the other hand, have these problems which Wan is very much aware of. Kaya kapag nag-o-open si Tu, hinahayaan lang ni Wan. Bilang kaibigan ko ang dalawang ungas na tampok sa kwento, aware din ako sa sitwasyon ni Tu kaya 'di ko masisi si Wan kung bakit siya nagho-hold back ng mga gusto niyang i-voice out. Till one time, nakahalata yata si Tu tapos tinanong si Wan kung okay lang raw ba siya.
And then boom, na-realize ni Wan na gusto niya rin pala kasing dumating sa puntong may magtatanong sa kanya ng gano'n.
Pero na-realize din ni Wan kung gaano rin pala kahirap sagutin ang tanong na 'yun. Wan dismissed the question. At napunta sila sa ibang usapan.
Minsan sabi nila dapat raw mag-take time ka para itanong 'yung nasa paligid mo kung okay pa lang ba sila. But I've come to think that, of course, it takes more than an, "Are you okay?" question to know if they are okay or not.
Kahit matagal mo pang hinintay na matanong ka ng mga gano'ng salita, dadatnan ka pa rin ng hesitation na sagutin 'yan. Para kang tinanong sa ibang bahay na napuntahan mo kung gutom ka ba pero isasagot mo hindi kahit na gutom ka naman talaga kasi neheheye ke.
Marami din tayong kadahilanan bakit tayo nagho-hold back. Parang torpeng takot mag-confess kasi baka makasira ng friendship. Baka ma-reject. Baka layuan.
In the case of opening up about any negativities that are trying to overwhelm you, isa sa unang naiisip eh 'yung ayaw maging pabigat dun sa pagsasabihan. Ayaw makaabala. Pwede ring takot mahusgahan o masabihang, "Talaga? Gan'yan ka pala," if you are not the type to show how your own battles are wearing you out.
Pero isa sa pinakapumasok sa isip ko ay minsan, nararamdaman ng iba sa atin na hindi valid ang emotions natin. Pwede kasing isipin natin na there is this one person we know that is having it much worse than me. Parang nakakahiya mag-emote kasi may iba pang nakakaranas ng ibang problema at may mas malala pa, ika nga. That the world would not stop to console you. Tama ba itong nararamdaman ko? Tama bang nag-e-emote ako? Do I even have the right?
Seriously, it really is not good to keep things to yourself. Ang tae, kailangan nilalabas.
I am not one to talk at sabihing "kailangan mong magsabi sa iba ng problema mo" because realistically speaking, madali ba talagang sabihin sa iba na, "P're, ano kasi, may pinagdadaanan ako. 'Di ko na alam"?
So for those who are still holding out, for those who are still trying to keep it all together, SALUTE. If you dudes ever come to a point where you want to end it all, please don't. If you are looking for a sign not to do it, this is your sign. Besides, we cannot easily give up thinking no one understands us when we haven't even responded or talked to others who try to reach out, 'di ba? O kung may nakausap ka naman at hindi ka naintindihan, we cannot easily give up just because one or two failed to understand us. Eh paano kung more than three people na ang hindi nakaintindi sa akin? Then don't talk to people. Jok. But kidding aside, better try to be with yourself. Find an outlet. Who says only people can understand you? 'Yung iba nagdo-drawing, nagsusulat para makapag-release. Eh 'di naman ako marunong mag-drawing/magsulat. Ampanget ng gawa ko. Bakit, ipapa-exhibit mo ba 'yan? Trip mong gumawa ng show? Naks. Dejk. Who says it needs to appear like the work of a great master? Wala namang nagsabi nun. And you know, mga tsong, more often than not, may nagagawa tayong maganda artwork when release our truest emotion in it. Naks.
Or if you want, pwede ka umiyak sa gabi. If you are the type to talk to the Being above, why not? (Makinig ka sa I am Understood ng Relient K *ehem*).
(Nabanggit ko lang rin ang kanta, masasabi kong oks lang rin kasi talagang makinig ng music. Hiheh.)
But I do hope no one will hold themselves back for feeling that the loneliness, the frustrations, the anxieties, or whatever negativities they feel are not valid. Paminsan-minsan, kailangan mong namnamin 'yung mga negativities na 'yan at matangay ka hanggang sa maiyak ka. Dahil karapatan mong makaramdam. Pero kung karapatan mong makaramdam ng kalungkutan, pagkabigo, at ano pa mang ka-shit-an, mas karapatan mo namang makaramdam ng pagmamahal at ng kaligayahan.
Magandang araw/tanghali/gabi, anumang oras mo ito binabasa. Hiheh.
~~~~~
040921 - 10:07pm

BINABASA MO ANG
Walang Bigas
AcakThe Philosophies of a Corn version 2.0 Mas mabagsik, mas galit, mas wild, mas ma-emote at mas... KORNI. Syempre! Koleksiyon ng mga kakornihan, ka-fuckshit-an at ka-bullshit-an sa buhay, mga rants at kung anu-ano pang kabadtripan. (Contains swear wor...