..l..

15 5 2
                                    

Dadating talaga sa puntong sobrang pakiramdam mo ay useless shit ka. 'Yung tipong tae ka na hindi man lang pwedeng gawing pataba sa lupa kasi toxic ka dun. Ikaw 'yung lalason. Basically, useless. Useless shit.

Mapapatanong ka na lang: ano pa bang purpose mo? Ano ba talaga gusto mo? Is that really you? Are you living your fucking life the fuckin' way you want it to be lived? 'Yung bang mga desisyon mo sa buhay ay 'yung ginusto mo o ginusto mo para sa iba? Nakakasawa na araw-araw--mula pagkagising hanggang matapos 'yung araw--gan'yan tumatakbo sa isip mo. Ayoko na. Ayoko ng ganito--

"Bayad daw!"

And that ends it. Nag-emote lang naman kasi ako sa jeep pauwi galing klase. Lakas maka-zone out ng pagod, ng antok at kung anu-ano pang ka-fuckshitang nararamdaman mo. Muntik na sigurong masampal sa akin ni Kuyang estudyanteng nakasakay ko 'yung dala niyang mahabang ruler.

Minsan, bad timing 'yang mga realization. Pero okay na din 'yun. Kesa naman sa klase namin ako ma-zone out. Kasi kung gano'n, patay! Ginisang mais ako nun.

Walang BigasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon