Dati may sinalihan akong contest nung Junior High ako, sand sculpting. Team kami no'n, apat na members. At dahil kami'y may angking galing, ayun, natalo kami. Pero wala akong pakialam dun. Ewan ko lang sa trainer na amin na 'di yata makaka-move on. Nung bumalik na kami sa regular classes namin matapos ma-excuse nang ilang linggo, may pagkakataong nagawi kami sa library ng kaklase kong si Stitcha (minsan na siya nabanggit sa update ko kung saan siya 'yung anak ng may-ari ng bahay kung saan nadulas ako sa CR nila kasi 'di ako nakaligo nung araw na 'yun kaya 'di na-wash out 'yung malas pero 'di naman ako naniniwala dun, slayt lang) at si Kokonat. Lalaki si Kokonat at 'wag 'nyo nang pahirapan ang sarili 'nyo sa pag-iisip ng posibleng dahilan kung bakit 'yun codename ko sa kanya. 'Yung trainer namin 'yung madalas magbantay sa library. Siguro na-miss niya kami kaya nung nakita niya kami, ang bungad niya agad, "Kamusta naman ang mga talunan?" habang all smiles siya. Wow, tangina. Ginantihan naman siya nung dalawa kong kasama ng ngiti habang ako tahimik lang dun sa isang tabi pero gusto ko na siyang balatan ng buhay gamit ang nail cutter. Tapos susundan niya pa ng, "Nakukuha 'nyo pang ngumiti, ah." Tangina. Required yatang umiyak kami.
Matuwa siya dahil hindi ko siya makakalimutan. Lagi ko siyang maaalala bilang isang taong may pananaw na hindi dapat tularan.
Isa talaga akong nilalang na walang kagaling-galing makipag-usap sa iba. Sa mga pagkakataon pumupunta ako sa isang lugar kung saan wala akong kaibigang pwedeng kwentuhan, saka ko nare-realize na boplaks ako sa ganung bagay. Sa klase ng intelligences, siguradong bagsak ako kung interpersonal intelligence na ang pag-uusapan. Minsan nga pati intra parang sablay din ako. Pucha, pa'no nangyari 'yun? Nakakilala ka ng taong pati sa sarili niya 'di marunong makipag-usap. Rare 'yun. Langhiya. Pwede na ba akong i-display sa perya?
Akala ng mga nakakakilala sa akin napakaingay ko. Totoo naman. Sanay na kasi ako sa mga taong 'yun kasi sa totoo lang, hindi ako lumalayo sa lugar kung saan ako nandoon lagi. Hindi ako libot. Tamad ako at laging walang pera. At may mga kaibigan akong artists na ang gagaling mag-drawing ng mga plano namin. Hansayasaya. Kumbaga, hindi lumalawak ang mundo ko kasi hindi ako nag-e-explore. Kuntento akong nakaupo, nakatanga, emote-emote, daydreaming at kung anu-ano pang ka-fuckshit-an. Ilagay mo ako sa lugar na ako lang mag-isa in the sea of strangers, nganga ako.
Kapag usapan sa mga taong 'di ko ka-close o kakakilala ko lang, ako 'yung dakilang taga-"oo", "aaah...", *ngiti-ngiti", "tango-tango" lang. Ang boring ko. Alam ko. Hindi ako marunong magpatakbo ng pag-uusap, ni hindi rin marunong makisabay. Hindi ko kasi alam kung paano mag-react. May awkwardness. Minsan nag-i-stutter ako. Mukhang gago lang. Anti-social? May social life naman ako. Snob? Aba, malay ko. Sadyang wirdo lang--ay gago pala. 'Di ako KJ. Isa nga ako sa promotor ng kalokohan sa mga kaibigan ko. At pinakakorni na din. Tagalagay ng bato sa bag, 'yung klase ng bato na mas malaki pa sa notebook nila, minsan kalat, kahit anong mapulot ko sa daan. Pero kapag sa ibang tao, tahimik na ako. Siguro nando'n kasi 'yung thinking na dahil unang beses palang kayo nagkausap, baka hindi niya maintindihan ang kawirduhang taglay mo. Pero paminsan-minsan naman nagsasalita ako. When something really piques my interest. Mahalagang bagay kasi 'yung "interest" at "fascination" kaya kapag nakaramdam ako no'n, usually ivo-voice out ko talaga kahit na lumabas kung gaano ako ka-weird. Pake ko ba? Now that I have mentioned it, maybe I'm just not used to feigning reactions. Kaya siguro nga, madaming mabubwisit sa akin kasi kahit gaano ko itagong nakikinig ako, lalabas pa rin na wala akong pake.
Well, salamat na lang sa isa sa mga biyaya ng Universe sa sansinukob--EARPHONES.

BINABASA MO ANG
Walang Bigas
De TodoThe Philosophies of a Corn version 2.0 Mas mabagsik, mas galit, mas wild, mas ma-emote at mas... KORNI. Syempre! Koleksiyon ng mga kakornihan, ka-fuckshit-an at ka-bullshit-an sa buhay, mga rants at kung anu-ano pang kabadtripan. (Contains swear wor...