at siya'y nag-emote

47 8 7
                                    

Naalala ko 'yung minsang uwian na sa school para sa lunch break, sabay kaming umuwi ni Po, 'yung kaibigan kong mukhang si Kung Fu Panda kasi chubby tapos may eyebags na sing-itim nung nasa mata ng isang panda. 'Di ako nanlalait. Gusto ko lang na mas malinaw 'nyong ma-imagine itsura niya at para mas ma-imagine 'nyo naman ang itsura ko, para sa ikasasaya 'nyo, kamukha ko si Crane.

Naglalakad kami sa hallway, nakikipagsiksikan sa mga estudyanteng iba-ibang scents ang taglay tapos biglang--PUCHAKAN NA 'YAN! May dalawang junior na nagsuntukan sa gitna ng stampede do'n. WHAT THE FUCK?! Kingina, sakto kung saan kami nakatayo ni Po. At kingina ulit kasi 'yung isang nakikipag-away, napakapit sa akin para bumalanse. Tangina. 'Kala ko madadamay ako sa away kasi pucha! Higpit ng hawak sa pulsuhan ko eh. Kahit anong pilit kong hila sa braso ko 'di ko magawa. Nataranta tuloy ako. Siraulong bata.

~~~~~

Hindi ko maitatanggi sa sarili ko ang katotohanang isa talaga ako sa pinakamalaking duwag sa mundo. Like, paksheeet, mga tsooong! Ang hirap tumanda kasi pakshet, lakas maka-emote. Pakiramdam ko nilalayasan na naman ako ng sarili ko. At seryoso, nakakabaliw 'yun. Mukha na naman akong gago.

Minsan talaga gusto mo na lang i-isolate ang sarili mo. Nakakabwisit kasi. 'Di mo maintindihan ang sarili mo kapag nakikita mo ang nasa paligid mo na naggo-"grow" tapos parang ikaw hindi. Wala ka naman sana kasing pakialam kung mag-grow sila, naiinggit ka lang kasi may lakas sila ng loob at may tiyaga. Nakakainggit. Hindi dahil lumalago sila, kung hindi dahil may determinasyon sila para tulungan ang sarili nila para lumago samantalang ikaw, nagpapalamon ka sa lethargy (kasunod 'yan ng lethar H tapos lethar I) at sa puchakang procrastination. Fuck shit talaga. Siguro nasanay ka na lang kasi sa monotone mong buhay, sa araw-araw na routine na ganito: gigising, kilos konti, kain, tulog and the cycle repeats (teka, parang redundant yata 'yon). Nakakalungkot. Nangalawang kang makina. Badtrip. Tangina.

Tangina ulit. 'Di na ako sasakay ng bus habang umuulan. Pakyung panahon. Lakas maka-emote. Pakshet.

At ayoko nang pumasok sa bookstore nang wala akong pera. Kinginang manga. Kinginang libro. Kinginang art mats. 'Coz I'm a fuckin' masochist. Kingina 'em all.

Walang BigasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon