Ewan

28 4 14
                                    

'Di ko alam kung ang dahilan ba  ng pagiging "feeling messed up" ko ay dahil sa hindi ako marunong magdesisyon at takot mag-risk sa buhay o dahil sa madami akong gustong mangyari. Tangina.

Nung bata ako gustung-gusto kong maging scientist. Tapos imbentor. Sabi ko gusto kong makaimbento ng capsule na kapag ininom makakahinga sa ilalim ng tubig tsaka ng scanning device na kapag tinapat sa buhok ng tao malalaman agad kung ilan hairstrands niya. Tapos naging astronaut. Sabi ko pa nga gusto kong maging First Filipino Astronaut (kung sakaling wala pang nauuna sa akin). Tapos reporter. Tapos writer. Tapos cartoonist. Gusto ko maging stafg ng editorial board ng isang dyaryo. Tapos comic book creator. Tapos animator, gusto kong gumawa ng mga anime, animated films en da layk.

Ngayon, nauwi ako sa pagpili sa isang bagay na kailanman hindi ko pinangarap. 'Yung bagay na wala sa choices ko. Tangina 'no? Hindi naman ako magiging tambay lang, 'wag kayo mag-alala. Hindi ko din naman alam kung manghihinayang ba ako sa desisyon ko na 'yun pero wala na eh. Nandun na eh. Itutuloy ko na lang.

Kung paanong nangyaring 'yon ang naging desisyon ko sa buhay? Siguro dahil sa demand ng nasa paligid. Pucha. Ang sabi ko kasi hindi ako magpapadala sa agos dahil gusto ko lagi akong maging deviant pero wala. 'Di pwedeng palagi akong nagrerebelde sa lipunan. Hindi lang kasi ako ang nag-iisa sa mundo. I'm not some kind of god who can disrupt the constant flow of something. Ano 'ko? May superpowers? Ipis nga 'di ko kayang patayin kasi natatakot ako. Kung may gagawin ako, paniguradong may maaapektuhan at hindi pa sapat ang pagkasiraulo ko para ipagwalang-bahala ang mangyayari sa mga taong maaapektuhan kapag masyadong kong pinanidigan ang pagiging kakaiba ko. Hindi ko sisisihin ang mga taong 'yun kung bakit ganito naging desisyon ko dahil bukod sa may pangarap ako para sa sarili ko, may pangarap ako para sa kanila. Ay pucha, kadrama naman no'n, YAK!

Siguro nga nung bata ako napaka-idealistic ko para isiping matutupad ko 'yung mga ambisyon kong 'yun ng walang kahirap-hirap.

Isang bagay na lang ang iniisip ko para hindi ako ma-down sa naging desisyon ko.

Tutulong na lang akong gumawa ng mga individuals na handang kumilos para mabawasan sa pagiging fucked up 'tong society. Tutulong akong gumawa ng mga taong hindi na magiging bulag. After all, noble profession naman ang pinili ko. Well, alam ko namang hindi rin propesyon ang makapagsasabing "marangal" ka, kundi kung paano mo ginagawa ang trabaho mo.

Idealistic pa rin siguro ako. Pero 'yun na lang ang itinatatak ko sa isip ko para lagi kong maalala na hindi ako pwedeng dumagdag sa mga pabigat sa lipunan.

Mababahagi ko 'yung mga natutunan ko sa ilang taon ng existence ko sa mundo para hindi naman sayang lahat ng wisdom at knowledge na ino-offer sa akin ng Universe, 'di ba?

Walang BigasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon