Nung bata-bata pa ako, naniniwala akong paglaki--este--pagtanda ko at naging imbentor ako, makakagawa ako ng time machine. 'Yung kakayanin kang ibalik sa nakaraan. May pagkakataon kasing nag-swimming kami nung elementary. Maliit lang talaga akong tao kaya malalim na para sa akin 'yung 4 feet. Tapos sa ibabaw nung pool may parang "overpass" na may kataasan kaya tinatalunan nung mga kasama ko para mag-dive. Maliban sa akin. Kasi pakshet, duwag nga ako. Takot ako sa heights. Hindi ako tumalon katulad nung ginagawa nila. In-slide ko lang sarili ko. Basta 'yun. Kaya nung umuwi kami, bigla akong nalungkot.
Kasi nagsisi akong hindi ko sinubukan. Hindi ko naramdaman 'yung thrill. Thrill-seeker ako na duwag. From that day forward, pumasok na sa isip kong gusto kong gumawa ng time machine para balikan lahat ng pangyayari na gusto kong enjoy-in at maulit.
Nakakaloko lang. Kasi natuto ako mula sa experiences ko kaya sinubukan kong i-enjoy 'yung mga pangyayari. Kaso ang problema, kapag pinipilit kong enjoy-in, parang nagmumukhang boring. 'Yung akala ko magiging masaya, joke lang pala. Tapos 'yung pangyayaring masaya, 'yun pa ang sandaling mangyayari at 'yun ang 'di ko nae-enjoy.
Kung ano talaga ang gusto mo, 'yun ang hindi mo laging makukuha. At kung ano ang gusto mong mangyari, 'yun kadalasan ang hindi.
Dahil ang buhay ay isang malaking irony.
BINABASA MO ANG
Walang Bigas
RandomThe Philosophies of a Corn version 2.0 Mas mabagsik, mas galit, mas wild, mas ma-emote at mas... KORNI. Syempre! Koleksiyon ng mga kakornihan, ka-fuckshit-an at ka-bullshit-an sa buhay, mga rants at kung anu-ano pang kabadtripan. (Contains swear wor...
