Sanay naman ako sa ingay kasi 'yung mga kaibigan ko, nuknukan sa kadaldalan. Wala kasing nagpapatalo sa amin sa kwentuhan, gusto lahat may sasabihin. Pero depende rin 'yun sa klase ng ingay. May ingay kasing ang toxic ng dating, 'yung kapag nasa gitna ka na ng ingay na 'yun, hihilingin mong sana mag-evaporate ka na lang. 'Yung ingay na sa sobrang lakas, 'di mo na marinig pati iniisip mo. Kapikon. Isa lang 'yun sa pwedeng makapagpainit ng dugo. Bukod sa ingay, may kung anu-ano pang kabadtripan na pwede mong maranasan sa isang araw.
Pero, at the end of the day, gagawa at gagawa ang Universe ng paraan para pasayahin ka matapos ang nakaka-fuckshit mong araw. Na hindi 'yun pwedeng magtapos ng ganun na lang. Kaya wala akong pake kung magmukha akong timang na nakangiting mag-isa habang nakasakay sa bus at tumitingin sa stars.
Kasi, sino ba naman ako para ipagsawalang-bahala ang kagandahang ipapakita sa akin ng Cosmos, 'di ba?
Dahil kung binibigyan ka ng dahilan para ngumiti, 'wag ka na munang mag-isip ng dahilan para pigilan ang mga labi mo na kumurba matapos ang matagal na panahon 'yung mukha mo ay nakalukot lang.
Ang Being kasi na nasa Itaas ay parang BDO--He (or She) finds ways.
BINABASA MO ANG
Walang Bigas
عشوائيThe Philosophies of a Corn version 2.0 Mas mabagsik, mas galit, mas wild, mas ma-emote at mas... KORNI. Syempre! Koleksiyon ng mga kakornihan, ka-fuckshit-an at ka-bullshit-an sa buhay, mga rants at kung anu-ano pang kabadtripan. (Contains swear wor...