Nakatuwa na paminsan-minsan napapabilib ka ng sarili mo. Na kahit ba ang dalas mong maramdamang useless ka, may magagawa ka pa rin mapapa-wow at mapagmamalaki mo ang sarili mo. Hindi 'yun pagiging vain. Sadyang kahit madalas mong makalimutang i-appreciate ang sarili mo, ipapakita pa rin na hindi ka lang basta meat-coated skeleton dito at may purpose sa 'yo ang nasa Taas. Uy! Saan nanggaling 'yon, Mais?
Nakakapikon kapag nilalamon ka ng frustrations pero sadyang may mga "factors" na gagawa ng paraan para laban 'yang negativity na 'yan. Nasa sa iyo na lang 'yun kung handa mo ngang gamitin 'yung factors na 'yun para iangat ang sarili mo, kasi kung 'yung mga tao, bagay, at mga pinaggagagawa mo sa buhay ay sinusubukang ipakita na may silbi ka pero ikaw na lang 'tong hindi naniniwala, ay pakyu, lumayas ka na sa Milky Way galaxy. I-exile mo sarili mo. Manirahan ka na lang sa pinakamalapit na black hole.
Kasi, tsong, pucha lang. Kung mag-e-emote ka na pakiramdam mong wala kang kwenta, tandaan mong ikaw 'yung pinakamabilis at pinakamatatag na semilya ng tatay mo na nagwagi para makapasok sa kaharian ng nanay mong tinatawag na "egg cell". Tuturuan kita ng kayabangan: pakainin mo minsan 'yang ego mo. 'Yung sapat lang para ikaw lang 'yung tangayin ng hangin mo at hindi 'yung nasa paligid mo kasi kapag ganun, baka mapalakas 'yung hangin, hindi na makabalik 'yung mga binagyo mo. Para kang nag-masturbate para ma-satisfy ang sarili mo lang at hindi nakipagtalik para idamay 'yung iba sa kapusukan mo.
I-acknowledge mo 'yung talent mo dahil 'yan ang magpapaalala sa 'yo na "you are made and you are still alive because you are to be someone so great".
Uy, ang bait ko naman. Nakakabilib. Uy, ang Henyo ko talaga. Nakakabilib. Pakshet.
Sobra akong natats nang makitang may nag-vote kaagad nito pagka-publish na pagka-publish ko. As in agad-agad. Nakakatuwa 'yun. Yo! Tsong @weirdskin! (May story siyang binabasa ko--The Protectors. Kahit walang nagtatanong.) Salamat ng marami! 'Di mo alam kung paano mo napaligaya 'yung internal organs ko.
BINABASA MO ANG
Walang Bigas
RandomThe Philosophies of a Corn version 2.0 Mas mabagsik, mas galit, mas wild, mas ma-emote at mas... KORNI. Syempre! Koleksiyon ng mga kakornihan, ka-fuckshit-an at ka-bullshit-an sa buhay, mga rants at kung anu-ano pang kabadtripan. (Contains swear wor...
