Naaalala ko nung hindi ko na maalala kung anong edad ako nun--teka--hanudaww? 'Di ko na kasi maalala kung ilang taon ako nun basta naaalala ko lang papunta kami sa bertdey ng pinsan ko (na kaedad ko lang, matanda lang ako ng ilang buwan sa kanya). Basta bata pa ako nun, mga 7-8 yata. Nakasakay kaming tricycle. Umuulan nun tapos dun sa ibang lugar na nadaanan namin binabaha na. Na-excite si gago. 'Di kasi binabaha sa may lugar namin kaya na-excite ako sa feeling ng baha. So ayun, tuwang-tuwa pa ako, "Yehey! Wooow! Wow! Baha!" Tapos habang nagtatagal tumataas na baha. Medyo lumubog na traysikel. Umusok 'yung traysikel! Pakshet na 'yan! 'Yung eksaytment ko kanina napalitan ng nerbyos! Nagsisigaw ako sa loob ng:
"MAMA! MAMA! AYOKO NA! UWI NA 'KO! AYOKO NA! JUSKOPO! AYOKO PANG MAMATAY!"
'Di pa 'ko marunong magmura nung mga panahong 'yun (tsaka nandun mga tito, tita tsaka inay ko. Waha!) kaya siguro mga gan'yan palang nasabi ko. Pucha! 'Kala ko katapusan ko na nun. Para akong aatakihin sa puso. Shet. 'Di ko makakalimutan 'yun. Mula nun 'di na 'ko natuwa sa baha. Isa siguro 'yung hindi naitalang parusa ng Universe para sa isang batang nagawa pang magpakasaya sa kabila ng pagdurusa ng iba. Tapos ngayong tina-type ko 'to natatawa talaga ako kasi bigla akong nahiya sa ka-OA-yan ko. Naisip ko ding bakit nga ba ako nag-hysterical nun? Mukha lang pala akong tanga kaya pala ako pinagtatawanan nung mga kamag-anak ko.
Mga tsong, talagang gan'yan. Dumadaan sa puntong may mga nasasabi tayong dulot ng silakbo ng damdamin. Me titser ako dati nung greyd por na sinabihan ako na 'di daw ako nagpapasa ng formal theme sa kanya tapos sinagot ko siya ng, "Eh Ma'am, 'di naman po kayo nagtuturo eh." Tapos 'yun, napagsabihan ako nung isa pang titser na nakarinig. 'Kala mo siya sinabihan ko kung makapag-react. 'Di ko pa kasi alam na mali pala sinabi ko. Pa-cool eh. Pero sa totoo lang, natatawa talaga ako kapag naaalala ko 'yun na minsan sa buhay ko, naging bata talaga ako, na nagsabi akong totoo. Sa paraang napakainosente pero bull's eye. Wahaha! 'Di daw kasi nagsisinungaling mga bata. Pero mga bata ah, 'wag tularan ah. Bait tayong konti... bait.
('Wag kayo mag-alala. Mabait naman talaga si teacher na sinabihan kong 'di nagtuturo. Sadyang napadalas lang 'yung 'di niya pagpasok nung mga panahong 'yun. Probably due to some issues I did not want to stick my nose into.)
~~~~~
Minsan naiisip kong 'yung mga salitang, "Baka hindi para sa 'yo 'yun", "Baka 'di para sa akin 'yun" ay isa lang nakakagagong pampalubag ng loob.
'Di ba talaga para sa 'yo 'yun? O baka kasi hindi ka gumawa ng paraan o konti pang effort para mapasaiyo 'yung bagay na ang tagal mong gusto. 'Yung bagay na hinahanap ng kaluluwa mo. Na binigyan ka na ng signs ng Universe, ng Being na nasa taas na nagsasabi, "Oy, eto gusto mo talaga, 'di ba?" at tinulungan ka at ni-lead papunta do'n pero baka ikaw na ang 'di gumamit sa mga lead.
Baka kasi nagkamali ka ng desisyon na nagresulta para hindi mo makuha. Baka natakot kang mag-risk kaya hindi mo nakuha. Baka takot kang bumagsak kaya hindi mo nakuha. Baka tinamad ka lang kumilos kaya hindi mo na nakuha. Baka kulang kaya, putangina, hindi mo nakuha. At putangina, nakakalungkot. Nakakabigat ng loob. Kaya puchakan na 'yan, pagagaanin mo ang loob mo sa mga salitang, "Ah, baka kasi hindi talaga para sa akin 'yun."
Kasi, fuckshit, gano'n ang tingin ng isang Gagong Mais.
Napaisip ka ba? Naka-offend siguro ako. Naging insensitive. Malay ko ba kung may magbabasang kagagaling lang sa failure (o kung may nagbabasa man lang ba).
Ako kasi gusto kong mapaisip. Gusto kong pagnilayan 'yung salita. Kung hindi ba talaga para sa akin o sadyang may pagkukulang ako kaya napunta ako sa, tingin ko, isang mundong hindi yata ako bagay. 'Yung mas mukhang hindi para sa akin pero pinili kong mag-settle do'n dahil hindi ako napunta sa gusto ko talaga dahil wala akong ginawang paraan para mapunta do'n sa gusto kong kalagyan.
Kasi may kulang sa ginawa ko. At huli na nung napagtanto ko 'yun.
Sigurado ka bang hindi talaga para sa 'yo 'yun?
But, oh well. Siguro 'di naman sa lahat ng pagkakataon applicable 'yung pag-iisip na kinulang ka sa ginawa mo kaya hindi mo na-achieve.
Haay. Tara, itae na lang natin 'to.

BINABASA MO ANG
Walang Bigas
RandomThe Philosophies of a Corn version 2.0 Mas mabagsik, mas galit, mas wild, mas ma-emote at mas... KORNI. Syempre! Koleksiyon ng mga kakornihan, ka-fuckshit-an at ka-bullshit-an sa buhay, mga rants at kung anu-ano pang kabadtripan. (Contains swear wor...