Da Kambak

24 5 9
                                        

Nagbalik-loob ako sa arts at pagsusulat dahil kung hindi ko gagawin 'yun, 'di ko alam mangyayari sa akin. Matigas katawan ko kaya 'di ko maisasayaw ang kabaliwan ko. Palpak ako sa pagkanta, I can't sing my insanity out so... ayun.

I've been stressing myself out lately for a fuckin' reason I don't even fuckin' know. Emotionally unstable si gago. Kino-contain ko lang sa loob ko at kasi nga gago ako, hindi ko nilalabas. Parang taeng pinigil. Parang libidong hindi tinuloy.

Siguro tanga ako dahil sinubukan kong itapon sa kasulok-sulukan ng kung saan man 'yung "feelings" ko para sa sining at mga salita. Para akong gagong in-denial sa nararamdaman. Sa sobrang frustration wala akong gustong gawin, wala akong gustong i-try. Pakiramdam ko walang para sa akin. Saka ko lang na-realize na ang laki kong pakingshet kasi tinutulak ko palayo 'yung pwede kong gawing santuwaryo sa panahong sobrang pakshet na pakshet ang tingin ko sa sarili ko.

Nakikipag-communicate ako sa Being na nasa itaas lalo na kapag talagang hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Kailangan mo rin kasi ng outlet. Siguro, sa kakakulit ko at kadadaldal ko, kaka-rant, gumawa yata Siya ng paraan para isampal sa akin na may pupwedeng gawing banyo ang isip ko para ilabas lahat ng tae do'n at kung ano pang gustong lumabas. And it took me a very long time before I realized that all along, those two things are very much willing to cradle me in their arms. Naks! Drama! Shit.

Kasi... "WRITER"... "ARTIST"...

Pucha. Para sa akin, ang sarap i-savour ng mga salitang 'yon. Ang sarap... ang sarap... namnamin...

Walang BigasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon