Ma-emote talaga ako sa buhay. Henyo kasi ako kahit walang kinalaman 'yun at gusto ko lang banggitin kasi na-miss ko nang sabihin sa mga kaibigan ko kung gaano sila kaswerteng nakatagpo sila ng isang nilalang na binayayaan ng kahenyuhan at habang sinasabi ko 'yun sa kanila tinitignan nila ako na parang fini-figure out kung paano ako mapapatapon sa labas ng Solar System.
Ako 'yung tipo ng taong maikli ang... let's say "interest span". One moment, tutok ako sa bagay na 'yun. The next, ayoko na. Madami akong gusto i-try. At isa din ako sa mga abnormal sa mundo na gusto sa unang try palang, kuha na agad. Gago lang. Superhuman? Marunong naman ako ng trial and error at naniniwalang patience is a fucking virtue. Kaso bihira yatang mangyari 'yun. Pero kapag nangyayari 'yun, asahan mong ii-invest ko ang halos buong oras ko do'n. Minsan lang akong maging dedicated. Problema nun, kapag nagiging dedicated ako at pumalya ng ilang ulit, ayoko na talaga. Grabe kung tamaan ako ng frustrations. Magbibilang na naman ako ng ilang buwan bago ulit mabuhay ang spirits ko. Parang na-comatose ba.
Sanay naman akong mag-fail dahil bilang sa daliri ng isa kong kamay ang mga pagkakataong nagtagumpay talaga ako. Hindi sa negative ako mag-isip. Ang mahirap kasi ay 'yung makaramdam ka ng pagsasawa sa mga sablay mo sa buhay. Nakakagago 'yun. Dun mo kasi mararamdamang napaka-useless mo. At para sa akin, may dumadagdag para lalo kong isiping useless shit talaga ako. Kasi tangina, hiyang-hiya naman sa akin 'yung mga taong kahit na ang dami nang downfalls tumatayo pa rin. Kapal ng mukha ko kasi magdrama eh 'no? Paano nila nagagawa 'yun? Kasi pramiss... kapag nakikita ko sila, nakakapanliit ng pagkatao. Nakakabilib sina Koyang at Ateng na ang gagaling mag-paint kahit putol 'yung mga kamay at 'yung iba pang talented na taong may kung ano pang kakulangan pero hindi naging hadlang.
Siguro magiging matino din ako. Kailangan ko lang talagang labanan 'tong nakakagagong self-doubt. Bwisit. Mawawala ka din sa buhay ko. Aalisin kita. Maghintay ka lang.

BINABASA MO ANG
Walang Bigas
RandomThe Philosophies of a Corn version 2.0 Mas mabagsik, mas galit, mas wild, mas ma-emote at mas... KORNI. Syempre! Koleksiyon ng mga kakornihan, ka-fuckshit-an at ka-bullshit-an sa buhay, mga rants at kung anu-ano pang kabadtripan. (Contains swear wor...