Unexpected 25: I'm back

152 13 1
                                    

Unexpected 25: I’m back

 

(Adam Zein’s POV):

“Oh Yunsu anak? Saan ka pupunta?” Tanong ni nanay nang makita niya’kong nag-aayos.

“Nay, Adam Zein po diba?”

“Ayyy oo nga pala! Nasanay kasi ako sa Yunsu.”

“Si nanay talaga.” Lumapit ako sa kanya. “Nay punta po muna akong ospital.”

“HA! Bakit?! Anung nangyari bakit ka magpapaospital?!” -___-

“Yung kaibigan ko po kasi na...i-injured po.”

“KAIBIGANG LALAKI?!” Biglang sumeryoso mukha niya.

“B-Babae po—“

“Sinasabi ko na nga ba’t babae! Bakit ka dadalaw sa isang babae? Akala ko ba hindi ka na ulit makikipagclose sa mga babae?? Diba sabi mo pa nga sa’kin dapat ako yung pumili para sa’yo!” -____-

“Nay naman eh. Kaibigan ko nga po diba? Tsaka kagrupo ko ho yun sa project namin kaya kelangan kong siguraduhin kung makakapagpatuloy pa siya sa shooting namin.”

“Shooting? Anung shooting???! Akala ko ba—mmmf!” Tinakpan ko na bibig niya.

“Ang ingayyyy.” Kainis. -__- Tinanggal niya kamay ko.

“Linawin mo kasi!”

“May project po kasi kami. Gagawa daw kami ng movie. Yung babaeng yun ang partner ko sa project kaya kelangang malaman ko agad kung kaya pa niyang magpatuloy—“

“Partner daw. Gusto mo siya noh?”

“Hindi nay!” Ang taray nun. Di ko maipinta yung mukha niya lagi. =/

“Hasus, Adam Zein!” Ngumiwi siya. “Pag hindi mo gusto yun hindi mo dadalawin yun dun.” TSK!

“Bahala ka nay.” Inis kong sabi sabay talikod. Tsss.

“Papayagan lang kitang pumunta sa kanya pag nangako kang ipapakilala mo siya sa’kin paggaling niya.” @_@

“Bakit kelangan kong ipakilala nay? Hayys!” Napakamot na’ko sa ulo ko. -___________-

Kahit sino namang babaeng ipapakilala ko sa’yo, hindi mo naman magugustuhan eh! Ilang beses na’kong nagdala ng babae noon para makita mo pero parang mas pihikan ka pa sa’kin at kay dad! Ayaw mo sa lahat! Ayaw mo kaya hanggang ngayon wala pa rin akong girlfriend! HAAAYYYSSS!!! =/

“Ah basta mangako ka!” Inekis niya mga kamay niya.

“HAAAYYYSSS!” Paano ko mapapapayag yung babaeng yun? Tsh! “Oh sige na nay! Dadalhin ko siya dito paggaling niya, kahit sigurado naman akong susungitan mo lang naman siya gaya ng ibang ipinakilala ko sa’yo. TSK!” Saglit akong humalik sa pisngi niya at agad na akong umalis.

Asar si nanay! ASAAARR! -______-

(Ryen Eve’s POV):

“Sa tingin mo sasaya ka pag ganyan ka? Sa tingin mo matatapos lahat dahil sa ginawa mo?!”

“Bakit ka naninigaw?!”

“Kasi nakakainis ka! Nakakainis ka na!”

“BAKIT?! ANUNG GINAWA KO SA’YO?!”

“Hindi mo pa nga ako pwedeng iwan diba?!”

Loving a Prince [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon