Unexpected 51: How it All Began

152 11 1
                                    

Unexpected 51: How it All Began


A/N: Kumusta na po itong kwento? Sana po nagugustuhan niyo. ^___- This chapter is full of sweetness kaya sana wag kayong manigas sa kakornihan ng Author nitong kwentong 'to. XD Here it is! ❤


(Ryen Eve's POV):

♬♬ "Let's sing Merry Christmas, and a happy holidaaayyy..." ♬♬ Kanta ko habang naglalagay ng Christmas balls sa malaki naming Christmas tree. Sa wakas! Sa wakas ay bumili rin sina mama't papa ng malaking Christmas tree! 

♬♬ "The season may we never forget" ♬♬ Biglang singit ng isang boses at napalingon naman agad ako.

♬♬ "The love we have for Jesus." ♬♬ I smiled at my boyfriend. "Ba't andito ka? Akala ko ba mag-aayos din kayo sa inyo?"

♬♬ "Let Him be the one to guide us," ♬♬ Ngumiti lang siya at kinuha niya yung star. ♬♬ "As another new year starts." ♬♬ Pagpapatuloy niya sa kanta ni Jose Mari Chan at tumabi siya sa'kin.

♬♬ "And may the spirit of Christmas..." ♬♬ Dugtong ko sabay lagay ng pulang ribbon sa Christmas tree.

♬♬ "Be always in our hearts...~~" ♬♬ Sabay naming finishing sa kanta.

*Clap clap clap clap clap clap clap*

"Huh?" Napalingon kami pareho sa biglang pumalakpak.

"Eh? Why're you here?" —Azul.

"Wala lang, gusto ko lang pumunta." Nakangiting sagot ni kuya Angelo sabay agaw nung star kay Azul.

"Uy—"

"Ako na maglalagay." Bumelat sa kanya si kuya tsaka nito sinubukang ilagay yung star sa tuktok ng Christmas tree.

"Hahahahaha!" Pinagtawanan siya ni Azul nang makita nitong hindi niya maabot. Hahahahaha!

"Tsskkk! I can do it!" Kuya Angelo insisted sabay talun-talon pero muntik na siyang masubsob sa Christmas tree kaya sumuko na din siya. XD Konti lang naman yung agwat ng height nilang dalawa kaso mahirap kasing ilagay yung star kapag hindi mo abot. ^O^

"See? I told yah! Ako nga kasi dapat!" Binunggo siya ni Azul tsaka nito inagaw yung star. Haha, pesteng STAR pinag-aagawan!

Itinaas ni Azul yung kamay niya at walang kahirap-hirap niyang nailagay sa tuktok ng Christmas tree yung kumikinang na star. Ngumuso na lang si kuya Angelo at kinamot niya nang padabog ulo niya. Hahaha! Talo!

"Anyway, pinapatawag ka sa bahay, bro. Nawala ka na lang kasi bigla." Umakbay si kuya kay Azul tsaka niya ito kinaladkad palabas.

"Teka, tekkaaa!" Sigaw ni Azul kaya naman napapunta sa'min si mama't papa. Napatitig ako kina mama't papa, tapos kina Azul at kuya Angelo.

"Anung nangyari??" Nakakunot noo ni papa. Akala siguro nila may kaguluhan. XD

"W-Wala ho." Kinakabahang sagot ni Azul. Nakaakbay pa rin si kuya sa kanya. "Dumaan lang po ako para magsabi ng I love you sa anak niyo." Ngumiti siya at kumaway. "Magandang gabi po pala. Bye po!" Dali-dali silang tumakbo paalis. Sabay pa talaga ha!

Napangiti ako kaya naman tinakpan ko bibig ko gamit yung kamay ko.

"Haruuu Gael nagba-blush na naman anak mo oh!" Tukso ni mama tsaka ito patawa-tawang bumalik sa kusina.

"Nyenyenye—"

"I love you daw." Tukso din ni papa sabay katok sa ulo ko tsaka din ito bumalik sa kusina.

Loving a Prince [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon