Unexpected 50: Hi, Zeina!

192 10 6
                                    

Unexpected 50: Hi, Zeina!

 

A/N: Wohooo! Happy Golden Chapter to meeee! XD Sa wakas Chapter 50 na ulit! Parang kailan lang eh yung Chapter 50 ng "Love Me, Kill You" pa yung ina-update ko. ^O^ Ambilis pala talaga ng oras 'pag nag-eenjoy ka. Kaya sanaaaaaaa nag-eenjoy din kayo sa pagbabasa diyan! ^____^ I don't know if nakikita niyo or if naaappreciate niyo but I'm really giving my best to my every update. XD Anyways, tama na ang drama! Here's my Golden Chapter! Yahoo yahoo! ^O^

 

(Ryen Eve's POV):

Kumakain kami ng mga pagkaing binili nina Rometicon. Andami naming pinag-uusapan. Mabuti na lang at natahimik na si Zethe at mukhang nakalimutan naman agad ni Cendone ang pinag-usapan namin kanina. Naaawa ako kay Zethe, though. Alam ko kasi yung pakiramdam na may gusto akong malaman tapos ayaw ipaalam ng iba sa'kin. I feel betrayed—kind of. Nakakabobo.

Nakisabay na lang ako sa kanila habang nag-uusap sila.

"Naku, yung Gino na yun!" Inis na sabi ni Layne.

"Hanggang ngayon BITTER pa rin talaga siya!" —Iasha.

"Buti pa itong sina Cendone at Zethe, no hard feelings. Diba mga tol?" —Rometicon.

"Oo naman!" Nakangiting sagot ni Cendone.

"Sayang naman kasi yung friendship." —Zethe.

"Awww, nakakatouch kayong dalawa." Sarkastiko kong sabi pero natawa na lang sila. Tsss. No Hard Feelings na nga talaga. :-D

"Yeoja..?" Narinig kong tawag ni Azul kaya naman napatayo agad ako.

"N-Namja!" I ran towards him. Nakahiga pa rin siya sa couch.

"Ang sweet naman. Takbo agad."

"Yeah. Bagay sila, noh?"

"Bagay din sana kayo, Zethe. Ano ba kasi nangyari?"

"Long story..."

Narinig ko pang usapan nila sa dining area. Napangiti na lang ako't napailing. Kahit kailan talaga, hindi maiiwasang pag-usapan ang nakaraan.

"Namjaaaaaaaaa." Nakangiti kong bungad kay Azul tsaka ako umupo sa tabi niya at niyakap ko siya.

"Aray, langgam!"

"Ha? Saan?" Kumawala ako at hinanap ko.

"Ikaw." He laughed softly. "Ang sweet mo kasi."

"Loko." Kinatok ko noo niya at natawa na naman siya. Sobrang hina nga lang ng tawa niya. Matamlay pa din siya. "Lagi naman akong sweet." Inabot ko kamay niya at tinignan ko ito. Nawala na yung pasa at yung itim na tuldok. Napangiti ako. Haaaay salamat. I'm so relieved. ^__^

"Hindi kaya. Pag sinusumpong ka lang." He stared at me and smiled. "Okay na'ko. Wala na yung lason, wala na yung pasa. Okay ka na rin?" He patted my head. If I'm not wrong, nagba-blush na naman ako. *T^T*

Bakit ba'ko natitili? Haish! Gusto kong tumili sa harap niya kaso hindi pwede! Tutuksuhin lang niya'ko! *^*

I bit my lower lip and nodded.

"Namumula ka na naman." Patukso niyang puna sabay bangon.

"H-Hindi kaya!"

"Asus! Alam kong kinikilig ka sa'kin kahit di mo pa aminin." Binelatan niya'ko at niyakap nang sobrang higpit. Oh hindeeeee! May kuryente yata!

"G-Gutom ka na yata. Kain tayo?" *T_____T* Nagwawala puso koooo!

"Yeah. Definitely. Probably."

Loving a Prince [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon