Unexpected 46: They're back

135 11 1
                                    

Unexpected 46: They’re back

A/N: Pasensya na po if medyo matagal akong hindi nakapag-UD. Actually, lagi po akong nagta-type ng iu-update ko kaso nawalan kami ng net kaya naman hindi ako mapagwattyyyy. Anyway, this is for you since nakagamit ako ng Broadband ngayon. Sana po magustuhan niyo! ^____^ I will UD again whenever there'll be net. :-*  

(Ryen Eve’s POV):

“Hindi.” Sagot ni Zethe matapos ang ilang segundong pananahimik. “Bakit mo naman naitanong?”

“Parang andami ko kasing hindi alam.”

“Huh? Ano ibig mong sabihin?”

“Para bang nagpapanggap lang yung mga tao na okay lang lahat pero hindi naman pala.” I sighed. “Alam mo yun? Yung nagtatanong ako kung ano ang nangyayari o kung ano ang problema pero sasabihin lang nilang WALA. Tapos malalaman ko na lang bigla na WALA LANG PALA TALAGA AKONG ALAM.”

Napaisip siya.

“Hindi ko alam...”

“Nakakatanga ang ganun.”

“Siguro nga. Ako naman kasi, lagi akong tahimik sa isang tabi pero syempre nagmamasid ako sa paligid ko kaya kahit mukha akong walang alam, marami pa rin akong alam.”

“Ganun ba yun? Ako kasi maingay ako.”

“Kaya siguro sila nahihirapang magsabi sa’yo?” Bigla akong natihimik. Kaya nga ba?

“Hindi ko din alam. Maingay ako pero hindi naman ako ganun ka sadista para matakot silang mag-approach sa’kin.”

“Baka naman nahihirapan silang mag-explain kaya sinasabi na lang nilang OKAY LANG lahat.”

“Pero diba pag mahal mo yung isang tao, kahit gano pa kahirap, gagawin mo pa rin?”

“Oo. Pero iba-iba ang mga tao at lahat tayo may kanya-kanyang rason kung bakit natin ginagawa o hindi ginagawa ang mga bagay.”

*Silence*

*Silence*

“Basta, hindi ka mahirap kausap. Oo, masungit ka at pala-tampo pero hindi ka naman mahirap kausap eh.”

Biglang nag-init mga tenga ko. Bakit na naman? Aish.

“Nag-away ba kayo ni Zein?” Bigla niyang tanong. Natahimik na naman ako.

“Long story. Haaaay.” I stood up.

“Oh? Aalis ka na?” Bakit? Ayaw mo?

“Oo... Kakain ako ng icecream para lumamig lalo ulo ko. Sama ka?”

“Libre mo?” Biro niya.

“Sige ba? Basta bigyan mo’ko ng pera?” :D

“Pano naman yun?” He laughed softly at ganun na din ako. “Oh sige ako na lang manlilibre.”

“Joke! Oo nga libre na kita! Tara!”

Oh well, hindi naman ako nagtagumpay sa panlilibre sa kanya kasi pagdating namin sa convenient store agad siyang kumuha ng paborito kong icecream at binayaran niya ito. Kilala nga kami ng nagbebenta sa store at akala niya kami pa rin ni Zethe. May mga kasal-kasal pa siyang sinasabi pero tinawanan na lang siya namin. Meron talagang ganun. Yun bang nakapagmove on na kayo tapos sila akala nila kayo pa rin. Matapos naming kumain ng icecream, inihatid na rin ako ni Zethe sa’min. Nagulat pa nga sina mama’t papa pero hindi na rin sila nagtanong.

Loving a Prince [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon