Unexpected 63: This isn't Over

120 13 0
                                    

Unexpected 63: This isn't Over


(Ryen Eve's POV):

Matapos kong hiwalayan si Azul kahapon ay hindi na'ko nagtangkang pumasok pa sa remaining classes namin. Pagkatalikod ko pa nga lang eh nagkarerahan na agad ang mga luha mula sa mga mata ko, paano pa'ko papasok nun? Tsh.

Kainis naman kasi. Ansama naman yata masyado ng mga sinabi ko kay Azul. :'( Paano pa kaya kami magkakabati matapos nung mga sinabi ko? Wala na kasi talaga akong maisip na idadahilan para pumayag siyang magbreak kami eh... ~__~

———-

Sa wakas ay nakaupo na din ako sa proper seat ko. Isang araw din akong humigop ng lakas ng loob para tumabi ulit kay Azul. Syempre sobrang sakit pa rin. Kahapon ko lang siya hiniwalayan kaya malamang ang sakit-sakit pa rin. Isa pa, hindi ko naman talaga gusto yun eh...

*Sighs*

Nabigla ako nang bigla niya'kong kinalabit. 


Hindi ko siya nilingon. Bigla na namang nagmalfunction ang puso ko. Sobrang nagwawala na naman siya. 

*Poke*

*Poke*

Azul naman eh! 

Hindi ko pa rin siya pinansin. Nakakainis naman eh mamaya maiyak na naman ako neto!

*Poke*

Azul, please naman itigil mo na yan...

*Poke*

-______-

*Poke*

Ang kulit pa rin talaga! Haysh!

I sighed and faced him with a cold stare. Gusto kong ngumiti... Nakangiti kasi siya nang matamis sa'kin. O.o Hindi ba siya galit dahil sa mga sinabi ko..?

"Bakit ba?"

"I love you."

T—Teka—BAKIT?!

"Tsh." Inirapan ko na lang siya at humarap na ulit ako sa pisara.

"Hindi naman ako naniniwala sa mga sinabi mo kahapon eh. Alam ko namang mahal mo pa rin ako..." Masaya niyang sabi. MASAYA pa talaga siya ah? Ansakit namang pakinggan nun... Ano na naman sasabihin ko sa kanya para maniwala siyang ayaw ko na talaga? Ang hirap kasi hindi naman yun totoo eh! Buset!

"Bahala ka." Sagot ko.

"Okay! Yehet!" Kalma ka lang, Ryen Eve... Kaya mo yan. "I will do my best to have you back, yeoja." He whispered tsaka siya umayos ng upo. Adam Zein Umbright Lenison... Bakit mo ba'ko pinapahirapan? Jusku naman!

Matapos ang pangyayaring yun ay lagi na'kong sinusuyo ni Azul. Lagi siyang bumubuntot sa'kin at lagi na niya ulit akong kinukulit. Sobrang namiss ko ang mga ginagawa niyang 'to kaya nahihirapan akong itaboy siya. Gusto ko naman kasi mga ginagawa niya eh...kaya ang sakit sa kalooban kong patigilin siya.

Minsan parang KAMI pa rin dahil sa mga inaasta niya. Lagi pa rin niya'kong sinasamahan. Minsan bigla niya'kong niyayakap tapos tatakbo din siya matapos nun. Parang bata lang. Hehehe. Sinusungitan ko siya all the time pero kapag nakatalikod ako, tumatawa ako o di kaya'y napapangiti. Kinikilig din ako at natitili. Ang gwapo-gwapo kasi talaga niya at mas lalo ko pa siyang minamahal ngayon dahil sa mga pinaggagawa niya. Sayang naman... Kung wala lang sigurong SERLANDE, malamang okay na okay na talaga kami... Haaay... Bakit kasi laging may humahadlang...

Habang lumilipas ang mga araw, mas lalo akong napepressure. As Soon As Possible... Kailangan nang bumalik ni Azul sa Serlande... Hindi pwede 'tong sinusuyu-suyo pa niya'ko. Kailangan na niyang umalis...

Loving a Prince [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon