Unexpected 58: Farewell, Ulzzang

135 13 0
                                    

Unexpected 58: Farewell, Ulzzang

 

(Ryen Eve's POV):

"Turn around." Malamig na utos ni Azul. Nasa sala kami ngayon at ilalagay na niya yung AD at TP sa'kin.

"S-Saan mo ba ilalagay? P-Paano? Baka masakit..."

"Hindi."

Tumalikod na lang ako. Galit nga, diba? Ansungit  talaga.

Hinawakan niya yung buhok ko at inilipat niya iyon sa kabilang balikat ko. Hinawi niya ang ibang hibla nito at naramdaman kong may idinikit siya sa balat ng batok ko. Naramdaman kong parang hinihigop nung nilagay niya yung balat ko.

"A-Aray!" Hahawakan ko na sana yung nilagay niya pero hinawakan niya kamay ko at ibinaba niya ito.

"Hayaan mo na muna. Dumidikit pa kasi yan sa balat mo para 'wag matanggal." Malamig niyang pahayag.

"Ito ba ang Audio Device?"

"Oo." He retorted. "Sa susunod ko na ilalagay ang Tracker." He sighed and took his bag. Hindi ka pa pwedeng umalis noh. Hindi pa nga ako nakakatitig sa mukha mo nang matagal eh. "Mauna na—"

"Teka." I stopped him. He looked at me.

"Ano yun?"

"Paano ko g-gagamitin 'to?"

"Ah. Naka-on na yan automatically at waterproof din yan. Tumatagal yan ng 24 hours kaya 'pag nagbeep na siya, idikit mo lang 'to sa kanya." May ibinagay siyang maliit na bagay sa'kin. "Ayusin mo pagdikit mo hanggang sa magvibrate. After nun, hayaan mo na lang hanggang sa magbeep na siya ulit. Ibig sabihin nun, fully charged na siya." Para siyang robot na pinrogram para mag-explain about this device. Wala na'kong nakikitang emotions sa kanya. "Icharge mo na lang bago ka matulog para paggising mo fully charged na."

"Ahh... O-Okay..."

"Anyway, lahat ng tunog at salita marerecord ng device na yan at maririnig ko through this." Itinuro niya yung parang earplug na isinuot niya sa tainga niya.

"S-So kahit saan ka magpunta susuotin mo yan?"

"Oo."

"Baka maistorbo ka—"

"Hindi. By the way, 'pag may kutob kang may umaaligid o sumusunod sa'yo, sabihin mo lang. 'Pag sinubukan ka na namang kunin ng kahit sino sa apat na lalaking yun, isigaw mo lang pangalan ko at dadating agad ako. That's in case magkalayo tayo sa isa't isa." Nakatitig lang ako sa mukha niya... Gusto ko siyang yakapin at gusto kong magsorry pero hindi ko maigalaw katawan ko... :'-(

"Namja..."

"Sige mauna na'ko." He bowed down slightly and walked away...

Namja... :-(

Gusto ko sana siyang habulin at kausapin pero alam kong kailangan niya ng peace of mind para sa practice nila so hindi ko na lang ginawa.

Halos isang oras akong tahimik sa sala namin. Hindi ako nagsasalita. Alam kong maririnig ni Azul ang kahit na anumang sasabihin ko kaya naman hindi na lang muna ako magsasalita at baka madistract ko pa siya... Hindi nagtagal ay may nagdoorbell at agad kong tinignan kung sino. Napatakbo ako palabas nang makita ko sina Layne, Cendone, at Rometicon. Niyakap ko silang tatlo at pinapasok na sa loob.

Naikuwento na pala nina Layne kay Rometicon yung tungkol sa nangyari kahapon. Alam na pala niya lahat.

"Saan ba kasi kayo nagpunta?"

Loving a Prince [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon