Unexpected 8: The Accident

205 16 6
                                    

Unexpected 8: The Accident

 

(Ryen Eve’s POV):

Several months later...

My Christmas, my New Year, my Valentines Day, the 3rd time my Academic year ended... They all passed by me like...nothing. Wala. Wala akong naramdamang saya. Nagpatuloy ang pagrerebelde ko sa sarili ko hanggang ngayong summer na naman. Next year will be the last year I’ll be going to school. Ang bilis lang diba?

Because I skipped time...

Kung idinetalye ko lahat ng pinagdaanan ko bago ako nakarating sa mga oras na ‘to, I would’ve definitely bored you to death kasi kahit ako mismo feeling ko walking dead na’ko. One hour felt like a day and a day felt like years... Kung anu-ano na lang ginagawa ko para maaliw ako. Gumagala, Natutulog, Nanonood ng TV o di kaya naghahanap o nagsisimula ng away. Ang pinaka may kwenta ko sigurong ginawa ay yung pagsali ko sa Karate training. HAHAHAHA. Wala eh, masyadong bagot. Yan lang mga ginagawa ko. Nagfe-facebook din ako at suki ako ng status box at post button. Andami ko na ngang likers ngayong ganito na’ko. Effect din pala ‘to eh noh? Andami ring nagcocomment at nagme-message—nangangamusta, nagtatanong... Pero wala na’kong pinapansin ni isa. Kahit sina Layne hindi ko na ini-entertain.

Wala eh.

Nasanay na’kong mag-isa ako.

And to be honest? I’m feeling better this way.

*sighs*

“Ryen! Diba sinabi ko na sa’yong bantayan mo kapatid mo dito?!” Sigaw na naman ni mama.

“Ma? Binabantayan ko naman siya ah?” Kalmado lang ako habang nakaupo sa tabi ni Rexodus. Ako na nga laging nandito eh, ako pa sinisigawan. -___-

“Bantay ba yang kung hindi ka busy sa pagkalikot niyang cellphone mo ay tulala ka?!” Galit na galit talaga mukha’t boses niya.

“Ma—“

“Ano?! Sasagot ka pa?! Ha?! Ikaw hindi ko alam kung ano nangyari sa’yo o sa inyo ni Zethe at nagkaganyan ka!! Ilang buwan na ang lumipas, Ryen Eve!! Bagong taon na at May na kaya pwede ba, itigil mo na yang katangahan mo!!” Dinuduro na niya ako. -__-

“Tss.” I rolled my eyes at umub-ob na’ko sa tabi ni Rexodus. “Ginagawa ko naman obligasyon ko. Baka naman magigising na itong kapatid ko kaya siya inatake kanina.” Paliwanag ko. Mahina lang boses ko. Tamad na’kong makipagtalo kay mama.

Kanina kasi parang nagkumbolsiyon itong si Rexo at medyo nadelay yung tawag ko sa nurse kasi naman nagCR pa’ko. Kaya heto, yung magaling kong mama pinapagalitan ako kasi akala niya pinapabayaan ko kapatid ko. Eh okay na rin naman ‘tong si Rexo at sabi naman ng nurse hindi naman daw bad sign yun kasi natural lang sa kondisyon niya na magkaganun siya.

Nasa Manila pala kami ngayon. We needed to transfer Rexo to another hospital kasi baka malaman nung Stepdad ni Virenika na buhay pa pala kapatid ko at baka patayin na naman niya ‘to. Sabi naman ng doktor, bumubuti na daw kondisyon nitong si Rexo... Baka nga magising na ‘to these days—

“Tumino ka Ryen!”

“Tama na yan, ma.”

“Anung tama na?!”

The door suddenly opened at iniluwa nun si papa. He frowned after seeing us.

“Nagtatalo na naman kayo?” Hinubad niya jacket niya at inilagay yun sa upuan.

Loving a Prince [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon