Unexpected 20: Hug of a Friend

157 10 1
                                    

Unexpected 20: Hug of a Friend

 

(Layne’s POV):

Hindi pa rin talaga ako mapakali hanggang ngayon. Ilang beses na akong nagte-text, hindi pa rin ako nire-replyan. Binabaha ko na yung Wall at Chatbox niya pero deadma pa rin. I also never miss to call her pero di niya’ko sinasagot. Gustung-gusto ko na talagang bumawi pero ayaw talaga niya’kong patawarin...

Haaayyy Ryen Eve... Ganda... Ano ba dapat kong gawin para magbati na tayo? Gusto na kitang makausap at makita...

“Rometicon naman. Sabihin mo na kasi sa’kin. Kumusta na bestfriend ko?” Tanong ko kay Rometicon, ang natatanging lalaking ka-batch namin na may balita tungkol kay Ganda ngayon.

“Okay nga siya, kaso nagbago na siya...sobra.” Sagot niya habang naka-ekis mga kamay niya. Nakasalubong ko lang naman siya sa daan papuntang school nina Ryen eh, so kinausap ko na.

“Anung pagbabago?”

“Yung mukha niya. Dati hindi naman yun nagme-make up... Pero ngayon meron na, tsaka ang suplada na niya. Anhirap niyang kausap at hindi na nga rin siya masyadong nagre-reply sa’kin.” Nagbuntung-hininga siya.

Nagbago ang besfriend ko..? Bakit..? Ano ba talaga nangyari sa kanya? Bakit sobra-sobra yung tampo’t galit niya sa’kin dahil sa nagawa ko? Nagkatampuhan na din naman kami noon pero di gaya nito... Nagkakaayos naman agad kami... Pero ngayon bakit sobrang layo na niya sa’kin? Alam kong kasalanan ko kasi masyado akong naging busy...

Hindi naman ako naging busy dahil lang sa ex-girlfriend ko eh... Busy ako kasi nagkaroon kami ng problema sa bahay, financially at emotionally. Muntik na nga akong huminto sa pag-aaral eh... Buti na lang naayos. Inaamin ko marami pa rin akong time para sa ex ko noon nung kami pa... And that’s one reason why...si Ryen...hindi ko na...napansin masyado...

But believe me, hindi ko siya iniwan at hindi ko siya kailanman man nakalimutan... I thought she would understand...

*sighs*

“Kakausapin ko na lang siya...” Sagot ko kay Rometicon matapos ang matagal na katahimikan.

“Mabuti pa... Pero sana magkausap kayo nang maayos. Anhirap na kasi niyang intindihin.” Tinapik niya nang mahina yung balikat ko. “Sige mauna na’ko bro. Hays. Kahit nga ako parang naiilang na’kong makipag-usap sa kanya. Swerte ko lang pag sinagot niya tawag ko kasi dun ko lang siya makakausap. Hayysss. Good luck.” Bilin niya tsaka siya umalis.

*silence*

Ryen... Bakit ka nagkakaganyan..?

Paano kita matutulungan..?

May maitutulong pa ba’ko sa’yo..?

“Bahala na.”

Nagsimula akong maglakad papasok sa Secret University of Makati. Wala na’kong maisip na gawin... Kailangan ko na talaga siyang makita. Kailangan ko siyang makausap dahil pag di ko ginawa yun papatayin ko na lang sarili ko! -_-

Kahit mayakap ko lang bestfriend ko...okay na sa’kin yun... :(

Matagal din akong naglibot sa SUM. Anlaki ng eskwelahan nila at ni hindi ko nga alam schedule niya... Iniisip ko na lang na baka makita ko sina Ven, Corby o Zethe dito. Siguro naman may alam sila tungkol sa schedule ni Ryen...

Loving a Prince [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon