( NOTE : words that are in a bold and italic form is serves as flashbacks )
AUDREY'S POV
"Ate, pabili nga po ng sampung stick-o at sampung cream stick" Saad ko habang nakaturo sa mga tag-pipisong pagkain.
Ibinigay niya sa akin ang binili ko at ibinigay ko naman sa kanya ang bente. Ipinasok ko muna sa bag ang binili ko.
Pumunta ako sa kabilang kalsada upang mag-abang ng sasakyan .
Dumaan ang ilang minuto pero wala pa rin akong masasakyan kaya naglakad nalang ako.Kapag malalim na kasi ang gabi ay konti nalang ang sasakyan na dumadaan gaya nalang ngayon na alas-diyes na ng gabi.
Araw-araw akong nagtitinda ng isda sa palengke pero kung mahina ang benta ay maglalako ako.
Alas tres palang ng umaga ay gising na ako upang maglaba sa mga labahan.
Araw-araw akong naglalaba para hindi dumami ang mga labahan ko.
Pagkatapos ko namang maglaba ay magluluto pa ako ng pagkain na kakainin namin.Pagsapit ng ala-sais ng umaga ay aalis na ako upang magtitinda ng isda sa palengke.
Pagsapit naman ng tanghali ay magliligpit na ako dahil maglalako pa ako ng pang-meryenda gaya ng banana cue, camote cue, bibingka at ice candy.
Pagsapit naman ng alas-kuwatro sa hapon ay maghahanda na ako upang pumasok sa paaralan. Pinili ko ang pang-gabi na klase kasi sa umaga ay naghahanap-buhay ako. Fourth year in college na at Bachelor in Elementary Education ang kinuha kong kurso. This is the cycle of my life.
Sa sobrang hirap ng buhay ay kailangan kong kumayod nang kumayod upang mabuhay. Naniniwala ako na ang lahat ng paghihirap ko ngayon ay masusuklian din balang araw.
Konting-tiis na lang at makapagtapos na ako.
Konting-tiis na lang at may diploma na akong mahahawakan.
Konting-tiis na lang at makakaahon din ako, kami, sa hirap.
Konting-tiis nalang at may maipagmamalaki rin ako.Konting-tiis na lang at masasabi ko rin na ang taong pinagsabihan nila ng iba't-ibang masasakit na salita ay nakapagtapos na.
Konting-tiis na lang at masasabi ko rin na ang taong hinuhusgahan nila noon dahil nabuntis ng maaga ay nakapagtapos na .
Konting-tiis na lang at maipangangalandakan ko rin sa buong mundo na hindi lahat ng naging batang-ina ay wala ng mararating sa buhay.
Oo, may anak ako.
Nabuntis ako ng maaga.
Nabuntis ako sa murang edad.
Nabuntis ako noong first year college pa lamang ako.
Nabuntis ako ngunit iniwan niya akong mag-isa.
Nabuntis ako na puro panghuhusga lang ang aking naririnig.
Nabuntis ako na walang karamay sa buhay dahil pati ang pamilya ko na akala ko'y unang tatanggap sa akin ngunit sila pa ang unang nanghusga. Itinaboy nila ako na parang hindi nila kadugo. Tinalikuran na parang hindi nila ako kilala. Itinuring nila akong isang kahihiyan. Hindi ko naman sila masisisi kasi nakakahiya naman talaga ang ginawa ko.
May anak ako na walang kinikilalang ama.
Nabuntis ako. Pinaghuhusgahan. Iniwan.
Pero hindi rason iyon upang itigil ko ang aking buhay na minsan ko ring pinaplano na wakasan.
I strove to survive.
Isinilang ko ang isang anghel na siyang nagbibigay sa akin ng liwanag sa madilim kong daan.
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (COMPLETED)
RomanceOne mistake is enough. This is the line that Audrey keep on remembering after she got pregnant by her boyfriend at the age of 19 and was abandoned by her family. She thought that her boyfriend would accept her pregnancy but it was opposite to her ex...