AUDREY'S POV
IT'S been two months since Emman started teaching in this school.
After the announcement, I went to my classroom and sit there while waiting for my students.
Hindi ako nagtanong sa kaniya kung bakit siya nagtatrabaho rito as a teacher, kung paano siya nakapasok at ano ang agenda niya rito. I let him be. It was his choice.
Hindi gaanong malaki ang paaralan na ito kaya magkakasalubong kami o di kaya'y magkikita sa faculty. Pinapansin niya ako pero umiiwas ako. Don't get me wrong, hangga't maaari ay ayokong magkaroon ng issue rito. Work and personal matter are different and it should be set apart.
February 14 ngayon, meaning Valentine's day. Alas-kuwatro na ng hapon. Pinauwi ko na ang mga estudyante kanina pa dahil wala namang klase ngayon at tapos na ang program.
Nakaupo lang ako at binabasa ang letters nila.
To ma'am,
Happy Valentines day, ma'am. Sorry po dahil minsan ( kadalasan pala hihihi) pasaway kami. Happy Valentine's day ulit. Mwuaaahhh
From; DediNgumiti ako. Mga pasaway talaga kayo, 'nak, lagi niyong pinapasakit ang ulo ni teacher.
To mom,
Napahinto ako sa pagbasa. Wala ang anak ko ngayon dito kaya imposibleng sa kaniya galing itong sulat.
You may be wondering kung bakit 'mom' ang inilagay ko hihihi it is because you're my future mom! Valentine's day ngayon, ibig sabihin, araw ng mga puso po. Mom hihihi, I have one favor, though bata pa ako, pero please po e-reserve niyo si manman sa akin.
Happy Valentine's day, mom.
From ; QueennyI smiled. This kid is very naughty. Napailing-iling ako. Napatingin ako sa relo sa aking pulupulsuhan. 5 pm na pala. Kinuha ko ang aking bag upang umuwi na.
Pumunta muna ako sa faculty upang mag-log out.
Sa oval garden ako dumaan dahil may kukunin akong halaman. Sobrang ganda kasi, nahumaling agad ako nang makita ko ito.
"I've heard, ma'am, na mag-ex pala sina Sir Emman at Ma'am Audrey"
Napahinto ako sa paglakad dahil sa narinig.
"Talaga? Saan mo naman napulot ang balitang 'yan?"
"Atsaka, natatandaan niyo pa ba ang bata na laging dala-dala ni Ma'am Audrey noon?"
"Oo! Oo!Oo. Bakit? Anong meron sa batang 'yon?"
"Aba'y anak lang naman 'yan ni sir Emman"
Napahawak ako nang mahigpit sa bag ko. Paano nila nalaman? Wala akong sinabihan tungkol dito. Pinapanatili kong private ang bagay na ito. Ito na nga ba ang sinasabi ko, kahit gaano mo ilihim ang lahat, walang sekreto na hindi maitatago. Ang tanong, paano nalaman ng mga co-teachers ko ang lahat ng ito? Well, hindi na siguro ako magtataka kung ang daling makahanap ng impormasyon ang mga chismosa.
"Kainggit naman. Ang gwapo-gwapo ni sir at bongga! Nagkaroon pa sila ng anak. Ano kaya ang feeling na mahawakan at mahalikan at, at, at----ARAY! Ba't ka nambabatok, ma'am Je!"
"Eh kasi naman, Oo nga na ang swerte-swerte na niya, kaso ang pabebe naman. Nakabingwit na nga ng gwapo plus mayaman pa, aayaw-ayaw pa. Perfect package na iyang si Sir. Kung ako itong si Audrey, kahit ilang kasalanan pa ang nagawa ni Sir Emman ay keribels pa rin"
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (COMPLETED)
RomanceOne mistake is enough. This is the line that Audrey keep on remembering after she got pregnant by her boyfriend at the age of 19 and was abandoned by her family. She thought that her boyfriend would accept her pregnancy but it was opposite to her ex...