APATNAPU

387 9 0
                                    

AUDREY'S POV


1 year later...

Time flies so fast. I couldn't believe na ang daling lumipas ng panahon. Parang kailan lang, gabi-gabi akong umiiyak dahil sa sakit. Araw-araw na nangungulila. Gabi-gabing binabangungot dahil sa takot.

Pero ngayon, I am here. I am here smiling while crying. I'm crying because of too much happiness. I am here walking in the aisle with tears rolling down on my cheeks, tears of joy. I am here walking towards to the only man who can give me euphoria. My man, my Emman who is patiently waiting for me at the altar.

After all these years of being separated, suffering from unending pain, fighting against all odds and everything we've experienced that tried to break us apart, here we are, still standing, getting stronger and getting married. Any moment from now, we will going to tie the knot that will bind us forever. Wala na itong bawian.

Hawak ko sa dalawang kamay ang dalawang ina ko. Si Mama Amor at Mama Merlinda. They are the one who escort me to the altar of marriage. Ang kinikilala kong ama na asawa ni Mama Amor ay wala dito dahil nakakulong. He was arrested for using and selling illegal drugs.

11 months ago, I called Mama Merlinda so that we can talk about our mother-daughter matter. Nagkapatawaran kami. Kahit balik-baliktarin man ang mundo, siya pa rin ang ina ko. Kahit hindi siya ang nagpalaki sa akin, siya pa rin ang nagluwal sa'kin. Siya pa rin ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Siya pa rin ang dahilan upang masilayan ko kung gaano kaganda ang mundo.

Ang lahat ng pamilya ni Emman ay nandito rin aside sa ama niya. Hindi ko inaakala na tinotoo niya talaga ang lahat nang sabihin niya sa akin noon na ipapakulong niya ang kaniyang sarili kapalit sa lahat ng ginawa niya.

He asked the judge na hatulan siya ng pang-habang-buhay na pagkakulong. Naging okay na rin ang relasyon nilang dalawa ni Emman. Para raw sa pinsalang nagawa niya sa relasyon namin ni Emman, he volunteered to be the sponsor of all the expenses on this wedding. Kahit piso ay wala kaming ginastos sa kasal namin. Siya rin ang gumastos sa trip to Maldives which is good for 1 week para sa aming honeymoon.

"Kung nandito ang papa mo, anak, tiyak na umiiyak na iyon dahil sa saya. Pangarap niyang maihatid ka sa altar" bulong ni mama Merlinda.

Ngumiti ako ng malungkot. My father was dead already. According to mama Merlinda, May sakit siya sa puso. Namatay siya nang malaman niyang nawala ako. Hindi raw niya nakayanan ang aking pagkawala.

Napatingin ako kay Emman. He is smiling widely. Nakita kong pinunasan niya ang kaniyang mukha. He mouthed "You're so beautiful" I smiled and replied "you're so handsome" Mas lalo akong napangiti when he mouthed " I love you "

"Nakita ko 'yon" biglang sabi ni mama Amor kaya napalingon ako sa kaniya.

"Ako rin, nakita ko rin 'yon" sabi naman ni mama Merlinda kaya napatingin din ako sa kaniya.

"Ang haharot niyong dalawa" sabi nilang dalawa.

Tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kanilang dalawa.

"Please take care of our daughter" sabay na sabi nilang dalawa.

Napatingin ako sa harapan. Nasa harap na namin si Emman.

"I will, mamas" Kinuha ni Emman ang kamay ko at hinalikan.

Ngumiti ako sa kaniya. We, together face the altar. Tumikhim muna ang pari at pagkatapos ay nagsimula na siya sa pagmimisa.

I look at Emman and smiled when I caught him staring at me.

"What?" Bulong ko.

"I can't wait later" bulong din niya.

Make Me Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon