AUDREY'S POV
“Aray. Masakit. Dahan-dahan, Emman”atungal ko nang madiin niya ang paglagay ng bulak sa sugat na nasa aking siko.
“Sorry. Masakit pa ba?” tanong niya habang hinihipan ang sugat ko.
“Konti. Mahapdi eh” sagot ko.
“Fuck that girl. Pagbayaran niya ang mga ginawa niya. She really brings nothing but trouble.” seryosong sabi niya.
“Nag-usap na tayo kanina tungkol sa bagay na ito, di ba?” mahinahong tanong ko.
Parang may something talaga na nangyari eh. Hindi kami magkasundo ni ate pero kahit kailan ay never pa niya akong sinaktan physically. Ngayon lang talaga. I know that there's something strange is going on.
“You think mapapalampas ko ang ginawa niya? This is too much!”
Napabuntong hininga ako at umayos ng upo.
“She need to learn a lesson” dagdag niya.
Umiling ako. “Kilala ko si ate, Emman. Mas magagalit ‘yon sa akin ng sobra kapag sinampahan mo siya ng kaso” sabi ko at tumingin sa kisame.
“Iyan ka na naman! Lagi na lang ang nararamdaman ng iba ang iniisip mo. Just once, Audrey, isipin mo ang sarili mo”
Napangiti ako sa sinabi niya.
Tiningnan ko siya. “Have you ever love someone, Emman? Have you ever sacrifice your own personal things or your feelings just for someone? Have you ever tried doing everything for someone in order for them to noticed you? Have you ever tried following their orders just for you to be loved by them? Have you ever beg for love and care? Because if you do, siguro maiintindihan mo ang nararamdaman ko” wika ko.
Tinitigan niya ako ng maigi. Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan.
“Kahit hindi nila ako totoong kadugo ay isang totoong pamilya pa rin ang turing ko sa kanila. Kung masaya sila na nasasaktan ako, let them be. Hindi ko ugali ang magtanim ng sama ng loob, Emman. Hindi ko ugaling maghiganti. Ayoko ng gulo. Gusto ko lang mamuhay ng tahimik at masaya. Sana maiintindihan mo ‘ko” mahabang paliwanag ko habang nakatingin sa sahig.
Naramdaman ko ang kamay ni Emman na umakbay sa akin at inaalalayan ako na makahiga sa dibdib niya. Nakayakap siya sa akin at ako naman ay pilit na kumawala.
“Stay still, love” bulong niya.
Rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya. Simula noon hanggang ngayon ay sa kaniya ko lang talaga mahahanap ang comfort. Ipinikit ko ang aking mata at niyakap siya pabalik.
“Nasaan nga pala ang anak natin?" tanong ko sa kaniya.
“Natulog...” sagot niya.
Tumango ako at tumahimik.
Sobrang tahimik. Tanging tibok lang ng mga puso namin ang aming nariring. Kay sarap sa pakiramdam ang ganito. Iyong nakayakap ka sa taong mahal mo. Naramdaman kong hinalikan ni Emman ang ulo ko at inamoy ang aking buhok.
“Hindi pa ako naligo, huwag mong amuyin. Nagbilad ako ng araw kanina” saad ko sa kaniya at tiningala siya.
Ngayon ay naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng matamis at hinalikan ang noo ko.
“Nahh, it smells good. I love your natural scent” malambing na sabi niya.
“Nahh, it smells good. I love your natural scent” Pabiro kong ginaya ang sinabi niya. Walang boses ko itong ginaya habang nakalabi pa.
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (COMPLETED)
RomanceOne mistake is enough. This is the line that Audrey keep on remembering after she got pregnant by her boyfriend at the age of 19 and was abandoned by her family. She thought that her boyfriend would accept her pregnancy but it was opposite to her ex...