AUDREY'S POV
"Sorry, I don't drink" sabi ko sa isang babaeng maikli ang buhok.
Kanina pa nila ako inaalok pero hindi talaga ako umiinom ng alak. Mahina talaga ang tolerance ko dito at hindi ko gusto ang sarili ko kapag nalasing.
Last time, noong nalasing ako ay malapit akong ipina-barangay ng mga kapit-bahay namin dahil nagsisigaw daw ako sa kalsada. Iyan ang sabi nila sa akin kinabukasan at ayoko ng maulit iyon.
"Just a little sip. Come'n, babe, it's my birthday today. Let's have fun!" Wika ni Myla. Ang pinsan ni Emman.
Kinuha ko ang baso na naglalaman ng alak at dahan-dahan na ininom ito.
Napapikit ako dahil sa pait ng lasa."Bottoms up! Bottoms up" paulit-ulit nilang sigaw.
Inubos ko ito ng isang tungga lang. Halos masuka pa ako sa sobrang pait.
"Excuse me, pupuntahan ko lang ang anak ko" paalam ko sa kanila.
"Oh, no, mamaya na iyang anak mo. Ang kill joy mo naman. Let's dance! " Sigaw no'ng isang babae at sini-sway ang kaniyang baywang.
I'm not really into party.
Hinila nila ako papuntang dance floor. Hindi ko alam kung bakit napunta ako dito sa bar ng beach na ito na kasama sila at kung bakit napasama ako sa kanila.
Lumabas ako nang kuwarto kanina upang hanapin si Emman dahil maghahating-gabi na. Kaninang hapon ko pa siya hindi nakikita. Hindi ko naman siya matawagan dahil walang signal dito. Nang makalabas na ako ng hotel ay biglang lumapit ang grupo ni Myla. Sabi nila na nasa bar daw si Emman at may babaeng kasama kaya sumama ako sa kanila. Pero naloko lang pala ako ng mga 'to dahil walang Emman na nandito.
"Dance, Audrey! Let's dance" sigaw nila habang binibigyan ako ng isang baso ng alak na naman.
Umiling ako pero laking gulat ko nang pinipilit nila itong ipainom sa akin. Halos manakit na ang bibig ko sa ginawa nila. Lahat ng tao ay nakapalibot na sa amin. Napatigil sila sa kanilang ginagawa nang huminto ang tugtog.
"What the heck? Ba't huminto?!" Sigaw ni Myla.
"Ibalik niyo ang tugtog! I rent this bar tonight! Balik!"
Hindi ko alam kung lasing ba siya or naka-drugs. Parang sobrang wasted na niya.
"Shut the fuck up, Myla! I didn't know you've come this far, pati si Audrey ay dinadamay niyo pa diyan sa kabalastugan niyo"
"Oh, my dear, cousin, nandito ka pala"
nakangising sabi ni Myla at lumapit pa kay Emman at niyakap ito. Lasing na lasing na siya.Inayos ko ang suot ko na nalukot kanina noong pinagtutulungan nila akong inumin ang baso na may lamang alak. Inayos ko rin ang buhok kong nagulo. Pinunasan ko ang labi ko dahil dumudugo ito. This is the result on how they pushed hard the glass on my mouth. How can I trust someone like them?
"Owwwww!"
"WTF!"
Napatingin ako sa kanila.
"How dare you to slapped me, Emman!" Sigaw ni Myla.
"I have a huge respect to you, Myla, but what you did was below the belt already. How can you do this?!"
"Ano bang ginawa ko? Ha?!"
"You're old enough to determine what you did. I am very disappointed on you. If I only knew na ito ang mangyayari, edi sana hindi na lang ako pumunta! Ipinakulong mo pa ako sa kuwarto. For what, ha?"
Napasinghap ang mga taong nakamasid sa kanila.
"At idinamay mo pa si Audrey? How can you do this? I trusted you!"
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (COMPLETED)
RomanceOne mistake is enough. This is the line that Audrey keep on remembering after she got pregnant by her boyfriend at the age of 19 and was abandoned by her family. She thought that her boyfriend would accept her pregnancy but it was opposite to her ex...