LABING LIMA

466 48 3
                                    

AUDREY'S POV

“Papaaaaa!”

Napatingin ako sa taong tinawag ng anak ko. Nakita ko siyang nakaupo sa may pintuan habang nakahalumbaba.

Napatingin si Emman sa amin at kaagad napatayo. Ang anak ko naman ay agad tumakbo sa ama niya at nagpakarga. Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa mag-ama ko na nagyayakapan at nagkakamustahan.

Biglang tumingin si Emman sa akin kaya ngumiti ako ng bahagya.
Naglakad ako papunta sa pintuan at binuksan ito. Pumasok ako sa loob.
Naramdaman ko namang sumunod din silang pumasok. Inilagay ko muna ang bag na dala ko sa mesa at walang ganang umupo.

I already settled everything in Cebu, though hindi ko alam kung matatawag nga bang settle ‘yon o ano pero atleast, ‘di ba, naliliwanagan ako sa lahat. Kahit na masakit man ay siguro masasanay din ako. Tutal, sanay na rin naman akong binalewala nila at sanay na rin naman akong masaktan.

Pero sabi ni ate Lucy noon, na kahit gaano pa tayo kasanay na masaktan ay takot pa rin tayong maranasan ang sakit na iyon.

Bumuntong-hininga ako. So, what's my next plan?

Binaling ko ang aking tingin sa mag-ama ko na nakaupo na sa kabilang upuan habang masayang nag-uusap.

Tiningnan ko si Emman na nakangiting nakatingin sa anak namin na ngayo'y nagkekuwento na ng kung ano-ano.

Nakangiti lamang akong nakatingin sa kanila. Such a beautiful sight.

Napaiwas agad ako ng tingin nang lumingon bigla si Emman sa akin.

Binuksan ko na lamang ang Tv at nanood. Wala akong naiintindihan sa palabas kaya pinatay ko ito. Ano ba ang gagawin ko ngayon? I want to be productive today pero nakakatamad kumilos.

“What's this? Who did this to you?”

Napatingin ako kay Emman nang marinig ko ang sinabi niya.

“Baby, who did this to you?” tanong niya ulit habang nakatingin sa braso ng bata.

“Tell to papa. Who hurt you?”

Napakunot ang noo ko sa tanong ni Emman sa bata. Itinago naman ng anak namin ang mga kamay niya sa kaniyang likod at yumuko.

“What happen?” tanong ko.

Napaurong ako nang tingnan ako ng masama ni Emman.

“Nasaan kayo kahapon? And why you didn't answer my calls and texts?”
seryosong tanong niya

“Ha?”

“Again, where were you yesterday?” seryosong tanong niya ulit.

“Sa Cebu” simpleng sagot ko kahit na kinakabahan na ako sa uri ng tingin na ibinigay niya sa akin at sa kaseryosohan na nakikita ko ngayon sa kaniya.

“Anong ginawa niyo roon?” tanong niya. Nanatili lamang ang tingin niya sa‘kin.

“To clear something?” hindi siguradong sagot ko.

“And why you didn't answer my calls and texts?”

Napakunot ang noo ko dahil sa mga tanong niya. “Bakit? Kailangan ba?”

“JUST ANSWER MY GODDAMN QUESTION!”

Napaigtad ako nang sumigaw siya. Kita ko ring nagulat ang anak namin at nagsimula ng umiyak.

“Don't you dare raised your voice on me neither in front of our son, Emman” seryoso kong saad sa kaniya.

Napapikit siya at huminga ng malalim na parang pinipigilan ang kaniyang galit.

Make Me Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon