LABING WALO

439 41 1
                                    

AUDREY'S POV

“Are you not tired, anak? Kanina pa kayo naglalaro ng papa mo” tanong ko sa anak ko habang pinupunasan ang mga pawis niya.

Nandito kami ngayon sa gym ng lugar namin. Napagpasyahan kasi ng mag-ama ko na maglaro ng basketball. Sinusundo ko sila kasi kanina pa sila rito at maghahapon na.

“Yes, mama. I shtill want to play po” sagot niya.

Sinuklay ko ang buhok na malapit sa noo niya gamit ang kamay ko. 

“Oh, no. We need to go home, maghahapon na, baby. Bukas na lang, okay?”

Tumango siya sa sinabi ko.

“Paamoy nga ng kili-kili” sabi ko at itinaas ang isang kamay niya. Inamoy ko agad ang kili-kili niya.

“Shtop, mama, hahahaha” natatawang sabi niya at pilit na ibinaba ang kamay niya.

“Hmmm, amoy pawis ang kili-kili ng anak ko” pabiro kong sabi sa kaniya.  Inginuso ko pa ang nguso ko na parang nababahuan. “Paamoy nga si mama ulit” sabi ko at inamoy ulit ang kili-kili niya.

Tawa lang siya nang tawa.

“Tagal ng papa mo, ‘nak. Tagal magbanyo. Asan na kaya ‘yon. Maggagabi na” saad ko habang inilagay ang bimpo sa likod niya.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong gym. Wala na ring tao.

“Baby, dito ka lang, okay? Don't go anywhere. Don't talk to strangers. Pupuntahan ko lang ang papa mo nang makauwi na tayo” baling ko sa anak ko.

“Okay, mama” sagot niya.

Ibinigay ko ang phone sa kaniya upang may mapag-abalahan siya. Tumalikod na ako at nagsimula ng lumakad papunta sa banyo ng mga lalaki.

Nang makarating ako ay naghintay ako sa labas ng banyo, ‘di ako makatingin sa loob dahil sirado ang pinto. Sumandal ako sa dingding ng banyo. Ang tagal niyang magbanyo ha. Nakakapanibago. Napatingin ako agad sa pintuan nang bumukas ito.
Agad kumunot ang noo ko nang makitang babae ang lumabas. Tumingin sa akin ang babae at ngumiti ng bahagya.

Anong ginagawa nito sa loob ng mens cr?

Maya-maya ay lumabas si Emman. Nagulat siya nang makita niya akong naghihintay sa labas pero ngumiti rin agad. Tiningnan ko ito ng masama. At may gana ka pa talagang ngumiti, huh?

“What's with that face, love?” tanong niya sa akin at lumapit.

Nang akmang hahalikan niya ang noo ko ay umiwas ako.

“Why?” naguguluhan niyang tanong.

“Tinatanong pa talaga ‘yan?” walang emosyon kong tanong sa kaniya. Inirapan ko siya at tumalikod.

“Hey, hey, hey. Did I do something wrong, my love?” tanong niya at pumunta sa harapan ko at hinarangan ang aking dinadaanan.

“Tabi nga, Emman” asar kong sabi sa kaniya. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero nahawakan niya agad ang kamay ko .
 
“Heyy, let's talk about this. May nagawa ba ako, love?” mahinang tanong niya.

“Wala. Bitawan mo nga ako. Maggagabi na. Hindi pa ako nakapagluto ng hapunan natin” Binawi ko ang kamay ko at pumunta sa kinaroroonan ng anak namin.

“Let's go home, anak” sabi ko sa anak namin.

Tumango siya at tumayo. Kinuha ko ang phone na hawak niya.

“Okay po, mama. Papaaa! Karga” kinarga agad ni Emman ang bata.

Hinawakan ni Emman ang kamay ko pero binawi ko lang ito. Asar pa rin ako sa kaniya. Anong ginawa ng babae na ‘yon sa mens cr? At magkasunod pa talaga silang lumabas ha. Nakakabwesit.

Make Me Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon