AUDREY'S POV
Lumabas ako ng kuwarto pagkatapos kong mapatulog ang anak ko.
Naabutan ko silang tatlo sa sala na sobrang tahimik na nakaupo.
Si Xiamara ay nakade-kwatro ng upo habang nakatingin sa mga kuko niya na color pink. Hinihipan niya ang kuko niya. Ang arte ng baklang ito.
Si Paris naman ay nakasandal sa upuan, ang mga kamay ay nakalagay sa tiyan niya habang nakatingin sa kisame. Tiningnan ko ang tiningnan niya, mga butiki na nag-aaway sa kisame. Nanonood ba siya kung sino ang manalo at matalo?
Si Emman naman. Amputs.
Nakaupo siya sa single couch. Nakasandal sa upuan habang nakahalukipkip at nakade-kwatro ng upo at nakataas ang kilay. Seryoso siyang nakatingin sa dalawa.
"HOY!" sigaw ko sa harapan nila.
Napasigaw ang bakla dahil sa gulat kaya napatawa ako.
"Problema niyo? Ba't hindi kayo nag-uusap?" tanong ko sa kanila at pumunta sa gilid ni Paris upang umupo. Iyon na lang kasi ang space na pwedeng mauupuan.
"Don't sit there, Love" agad na sabi ni Emman.
Tiningnan ko siya. "Bakit?" nagtataka kong tanong.
"Just don't. Come here. Dito ka uupo"
Napakunot ang noo ko "Saan, Emman? Wala namang ibang mauupuan kun'di ito na lang"
"Umupo ka na do‘n, kawayan. I guess , he's jealous" bulong ni Paris.
"Kanino naman siya magseselos?" tanong ko.
"Gaga, ang bobo mo. Hahahha punta kana do‘n. Sobrang possessive pala ng lalaking 'yan" sagot ni Paris.
Tumayo na ako at pumunta kay Emman. Nakahalukipkip ako sa harapan niya. Ang labo ng lalaking 'to.
"Oh saan ako uupo ngayon---" agad akong napatili ng mahina nang hinila niya ako at pinaupo sa kandungan niya.
"Here" nakangiting bulong niya at niyakap ako.
Pinanliliitan ko siya ng mata "Emman, nakakahiya sa mga bisita. Bitawan mo nga ako" bulong ko sa kaniya
"Nah, ayoko. Mas gusto ko ‘tong ganito" mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya.
Napabuntong hininga ako at tiningnan siya ng masama.
"Ba't gabi na kayong napadalaw dito?” nahihiya kong baling sa mga kaibigan ko.
"May trabaho pa kaming tinatapos---”
"Oh, bakit pumunta pa kayo?" pagputol ni Emman sa sasabihin ni Paris.
Palihim kong kinurot ang braso niya.
"And then, uuwi na rin kasi kami bukas nang maaga kaya ngayon na lang kami pumunta." ngumiti si Paris sa akin at agad din nawala ang ngiti niya nang mapatingin siya kay Emman.
Tiningnan ko si Emman pero nakangiti lang itong nakatingin sa kanila. Weird.
"Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ay, nakow, mareng Audrey, ‘di pa ikams kumain. Kanina pa oks nagugutom" agad na sagot ni Xiamara.
"Patay gutom" rinig kong bulong ni Emman kaya siniko ko siya.
"Oh, sige. Tara kumain kayo. May tira pa namang ulam or ipagluluto ko kayo" anyaya ko at tumayo.
"Ay bet!" bulalas ni Xiamara.
Sumunod sila sa‘king pumasok sa kusina.
Umupo ako sa upuan "Kayo na ang maghanda ng kakainin niyo. Feel free" nakangiti kong sabi sa kanila.
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (COMPLETED)
RomantikOne mistake is enough. This is the line that Audrey keep on remembering after she got pregnant by her boyfriend at the age of 19 and was abandoned by her family. She thought that her boyfriend would accept her pregnancy but it was opposite to her ex...