( NOTE : words that are in a bold and italic form is serves as flashbacks )
AUDREY'S POV
FEAR is our greatest enemy as they say.
Totoo iyon. Ang takot ang pinakamatinding kalaban natin.
Kasi nang dahil sa takot, maraming oportunidad ang nawala at maraming pagkakataon ang nasayang.Takot tayong magkamali.
Takot tayong mahusgahan.
Takot tayong sumubok.
Takot tayong masaktan.
Takot tayo sa kabiguan.
Ang tanong, bakit nga ba tayo natatakot?
Dahil takot tayong makatanggap ng mga panghuhusga sa lipunan.
Isang maliit na pagkakamali mo lang ay parang sobrang laki na ng kasalanan na iyong nagawa.
At dahil nahusgahan na ang pagkakamaling ating nagawa kaya takot tayong sumubok.
Takot tayong sumubok sa lahat dahil takot tayong magkamali ulit at mahusgahan ng paulit-ulit.
Nasaktan tayo dahil naiisip natin na kung bakit ang dali-dali lang nilang makita ang simpleng pagkakamali natin pero ang mga magandang bagay na nagawa natin sa kanila ay hindi man lang nila napansin.
Nasaktan tayo dahil agad silang humusga kahit hindi pa nila alam ang buong katotohanan.
Nakakatawa at nakakaawa dahil kahit anong gawin mong maganda ay ang pagkakamali pa rin ang mapapansin at mapupuna nila.
Kahit anong gawin mo ay isa ka pa ring bigo na tao sa mata ng mga mapanghusga.
Iyan ang napakahirap mamuhay sa mapanghusgang lipunan.
Huhusgahan ka nila sa anong nakikita nila sayo.‘Di ko namalayan na nakalapit na pala si Emman sa anak ko. Nakaupo na siya sa kama habang nakahawak at nakakitig sa mukha ng bata.
Minsan ko na itong pinangarap na makita ang mag-ama ko sa ganitong porma noon. Iyon bang kakagising lang ng anak ko at ang ama niya agad ang kaniyang masisilayan.
Nangyari nga ang minsang pangarap na iyon ngayon pero iba naman ang sitwasyon. Kita sa mga mata ng anak ko na naguguluhan siya habang nakatingin kay Emman.
“H-hi po?” hindi siguradong bati ng anak ko. Kahit nanghihina siya ay nagawa pa rin niyang bumati at ngumiti sa lalaking kaharap niya----ang kaniyang ama.
“H-hi, buddy, how are you feeling?” Tanong ni Emman sa nanginginig na boses, na para bang any moment ay maiiyak na siya.
“I'm fine naman po” magalang na sagot ng anak ko.
"Mama, I want watew . Manman ish thiwsty na po” baling ng anak ko sa akin.
Napangiti ako. He's indeed a strong boy. Hindi pa rin nawawala ang sigla niya. Kahit na nanghihina man ay nagawa niya pa ring magsalita.
Kumuha ako ng tubig at pagkatapos ay umupo ako sa kabilang banda ng kama at inaalalayan ang anak kong makaupo.
“Ouch...ouch...Mama, why my body huwtsh?” Bulol niyang tanong.
“It is because you have so many bruises in your body” paliwanag ko habang tinutulungan siyang makainom.
“Why I have many bruises po?” He innocently asked. Jusko naman anak, heto na naman tayo sa question and answer portion.
Nginitian ko siya.
“Do you remember earlier? You were accidentally hit by a car” inilagay ko ang botelya ng tubig sa mesa.“And anak, don't do that again, ha? Don't run away again without mama. It's so dangerous and it's bad. If you want something, just ask mama and we can buy it together, okay?”
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (COMPLETED)
RomanceOne mistake is enough. This is the line that Audrey keep on remembering after she got pregnant by her boyfriend at the age of 19 and was abandoned by her family. She thought that her boyfriend would accept her pregnancy but it was opposite to her ex...