AUDREY'S POV
Seven continents.
Over 7 billions of people in the world.
Hundreds of countries.
Masasabi ko pa rin na ang liit ng mundo. Sa daming tao sa mundo , ‘di ko inaakalang mag-pinsan pala si Jett at Emman. Sa daming lugar sa mundo, ‘di ko inaakalang dito pa pala kami magkatagpo sa lugar kung saan ako nakahanap ulit ng comfort.
Nandito pa rin kami sa labas ng kuwarto ng anak ko.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pagkatapos kong malaman na mag-pinsan pala silang dalawa.“What a small world, isn't it? heheheh” awkward na tanong ni Gail na parang pinapagaan ang atmosphere.
“Hoy, ang seryoso niyo naman diyan. Kung magkatinginan kayong mag-pinsan, ang ano niyo ha. Pasok na nga tayo sa loob. Nag-iisa lang ang inaanak ko sa loob. Fren, gising na ba ang inaanak ko?” Tanong ni Gail sa akin kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. Thanks to her dahil ‘di ko na kakayanin kung magtatagal pa ako dito na kaharap sila.
“Ah, Oo, Gail. Gising na siya. Tara pasok na tayo sa loob” sagot ko. Ngumiti ako ng pilit.
“Hi, my baby manman” agad na sabi ni Gail nang makapasok kami.
“Hello po, tita Gail” balik na bati niya. Kahit masigla ang boses niya ay kita pa rin ang panghihina nito.
“Ikaw na bata ka, halos patayin mo kami sa takot kanina, lalong-lalo na itong mama mo” sabi ni Gail pagkaupo niya sa kama.
“showwy po. I won't do it again” nakayukong saad ng anak ko. Tumawa si Gail at kinurot ang dalawang pisngi ng bata. Napadaing ang anak ko sa sakit. Talagang babaeng ‘to!
“Pappapppp!!” Agad na sigaw niya nang bumukas ang pintuan at pumasok si Jett. Kasunod naman niya ay si Emman.
“Yoww, little manman. How are you feeling?” Nakangiting bati ni Jett at ginulo ang buhok ng anak ko bago umupo sa kabilang banda ng kama.
“I'm fine na po” nakangiting sagot naman ng bata.
“Good. Strong boy. Manang-mana ka sa pappap mo na sobrang gwapo” nagpopogi-sign pa si Jett kaya napatawa ako. Nakita ko namang lumingon si Emman sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
“Kapal ng mukha mo, Jett. Tinuturuan mo pa talaga ang inaanak ko diyan sa kahanginan mo” kontra naman ni Gail. Ngumisi si Jett.
“Hindi iyan kahanginan kun'di katotohanan, diba, babe?” Saad ni Jett at lumingon pa sakin at kinindatan ako. Napatawa nalang ako. Daming alam nitong lalaking ‘to.
“Here! I bought your favorite spaghetti. You can eat that now” ibinigay ni Jett ang binili niya at pinapakain ang anak ko.
“Kuya, come hewe. Letsh eat eshpaghetti” napatahimik kaming lahat nang inanyaya ng anak ko si Emman.
“I have mama, I have nanay Lucy, I have tita Gail, I have pappap and I have kuya. Yeeeyy!" masayang sabi niya habang nagkalkula pa gamit ang daliri niya.
“But thewes one mowe...”napatingin kaming lahat sa kaniya at hinihintay ang susunod na sasabihin niya.
“My papa...” napalunok ako sa idinugtong ng anak ko. Lahat sila ay napasulyap sa'kin.
“I shaw my playmatesh po, theiw papa fetch them and nanay Lucy fetch me. Diba po pappap, if thewes a mama, thewes also a papa? But why I don't have a papa?” Napalunok ako nang mariin sa itinanong niya. Pinagpapawisan na rin ako ng malagkit. Napatingin si Gail at Jett sa akin na parang may ipinapahiwatig. Para ata akong maiiyak sa mga narinig ko sa anak ko.
“Ahh, fren, labas muna kami, ha. Hoy Jett, tayo na” Sabi niya at hinila si Jett palabas. Tiningnan ko ang pintuan na kakasara lang. Napalunok ako nang kami nalang tatlo ang naiwan.
“Mama, whewe awe they going po?” Tukoy ng anak ko kila Jett at Gail.
“Ahh-ahm sa ano. They have something to do, anak” utal kong sagot at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang mukha ng anak ko. Tumingin siya sa'kin at ngumiti.
Ito na siguro ang tamang pagkakataon para sabihin sa anak ko ang lahat.
Huminga muna ako ng malalim.“Anak, do you want to know your papa?” Tanong ko sa anak ko habang hinahaplos ang likuran ng ulo niya.
“Yesh po. But mama, I don't want you to be shad. Itsh okay po if I don't have papa ash long ash I have you po” inosenteng sabi niya. Napaiyak ako.
Ang bata niya pa pero naiintindihan na niya ang lahat, lalong-lalo na ang nararamdaman ko.“Don't cwy na po. Sowwy po if I ashked about my papa. I won't do it again, mama” Saad ng anak ko habang pinupunasan ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko. Napahawak ako sa kamay niya na nasa pisngi ko.
“Anak, what if your papa is here, how would you feel? do you want to see him?” Tanong ko. Kita ko sa mga mata niya ang galak kaya napangiti ako.
“I will be happy po, mama” natutuwang saad ng anak ko. Nginitian ko siya. Huminga muna ako ng malalim.
“Then your papa is here" Saad ko at sinulyapan si Emman. Napatingin naman ang anak ko kay Emman at nanlaki ang mga mata niya.
“You'we my papa po?” Gulat na tanong niya. Gayunpaman, kita pa rin ang saya sa mga mata niya. Dahan-dahan na lumapit si Emman sa kinaroroonan namin.
“Yes, buddy. Can I hug you?” naiiyak na pakiusap ni Emman. Tumango naman ang anak ko bago niya niyakap ito. Kita kong umiiyak si Emman habang nakayakap sa anak ko----namin. Kumalas sa pagkakayakap ang bata nang maramdaman nitong umiiyak na ang taong kayakap niya.
“Why awe you cwying po?” Inosenteng tanong ng anak ko habang pinupunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi ng ama niya.
“I'm just happy” umiiyak sagot ni Emman. Tumango-tango naman ang anak namin.
“When mama ish shad, she's cwying and you'we cwying becaushe you awe happy. I'm confushed po" nalilitong tanong niya. Napatawa ako ng mahina dahil sa nalilitong mukha niya. Napatawa rin si Emman. Pinupunasan ni Emman ang luha niya at pagkatapos ay ginulo ang buhok ng bata.
“Mama, come hewe. I wanna hug my papa and mama”
Napatigil ako at napalunok sa sinabi ng anak ko. Napatingin ako kay Emman. He's also looking at me.
“Come hewe na, mama” dahan-dahan akong lumapit sa kanilang dalawa. Niyakap kaming dalawa ni Emman ng anak namin.
“Yeeeyy! I'm happy na po. I have my mama and papa. I love you, mama . I love you, papa”masayang sabi ng anak ko. Napangiti ako.
“ I love you too, anak/my son" sabay naming sabi ni Emman.
Naramdaman ko ang kamay ni Emman na inilagay sa likod ko at niyakap kaming dalawa ng anak ko ng mahigpit kaya napatingin ako sa kanya. Kita ko ring nakatingin siya sa akin and mouthed...“Thank you” Nginitian ko na lamang siya dahil iyon lamang ang tanging maisusukli ko.
My son is happy and I am happy too. My son's happiness is also my happiness. Anak ko siya. At masaya siya na nakilala na niya ang ama niya.
Kahit hindi sabihin ng anak ko ay alam kong matagal na niyang hinangad na magkaroon ng ama. Sino ba naman ako upang hindi ibigay ang kaligayahan niya? Mas niyakap ko pa nang mahigpit ang anak ko.I don't know this familiar feeling that I am feeling right now but I knew that I felt this before. I just can't figure it out at this moment but sooner I will find the answer of this sudden feeling that I felt. And sooner, If I am ready, I will listen to Emman's explanation.
But right now, at this moment, susulitin ko muna itong pagkakataon na ito na minsan ko ring pinangarap na mararanasan.
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (COMPLETED)
RomansOne mistake is enough. This is the line that Audrey keep on remembering after she got pregnant by her boyfriend at the age of 19 and was abandoned by her family. She thought that her boyfriend would accept her pregnancy but it was opposite to her ex...