LABING TATLO

514 50 1
                                    

( NOTE : words that are in a bold and italic form is serves as flashbacks )

(Audrey's POV)


"Matuto kang magpatawad sa mga taong nakasakit sa iyo. Balikan mo ang nakaraan, anak. Huwag mo na itong takbuhan dahil kung patuloy mo itong tatakbuhan ay patuloy ka rin nitong hahabulin


Napabangon ako sa aking pagkakahiga nang mapanaginipan ko ang huling sinabi ni ate Lucy sa akin.

Tiningnan ko muna ang anak kong mahimbing na natutulog sa aking tabi  bago lumabas upang uminom ng tubig.

Tiningnan ko ang orasan at alas-kuwatro na pala ng umaga. Hindi ko alam kung nasaan si Emman ngayon dahil pagkatapos niyang magkwento kagabi ay umalis ako agad at pumasok sa kuwarto. Hindi ko siya kayang kausapin mula nang malaman ko ang lahat.

Akala ko, ako lang ang nagdusa ngunit mas may nagdusa pa pala sa akin.

Ang unfair ko. Hindi ko man lang siya pinakinggan muna. Mas inuuna ko pa ang nararamdaman ko kesa sa iba.
Mas pinangungunahan pa ako ng takot kaysa harapin ang katotohanan.
Pinukpok ko ang ulo ko dahil sa inis.

Pumasok ulit ako ng kuwarto at kumuha ng bag. Pinasok ko ang ilan na mga damit ng anak ko at sa akin na kasya sa loob ng tatlong araw.

Ito na ang oras upang isa-isahin ko ng balikan ang nakaraan. Dahil kung hindi ay baka habang-buhay akong bilanggo sa nakaraan ko.



+++++++++++


“Mama, whewe awe we po?” tanong ng anak ko nang magising siya.

Nandito kami sa Cebu ngayon. Sa ilang oras na biyahe ay nakarating din kami dito ng matiwasay.

“We're here in Cebu, anak” sagot ko sa kaniya habang inaayos ang bag na dala ko.

“What awe doing hewe po?” tanong niya ulit. 

“Baby, Cebu is your mama's hometown and ngayon ay pupuntahan natin sina lolo at Lola mo” sagot ko.

Nginitian ko siya at sinuklay ang buhok niyang nagulo gamit ang kamay ko.

Nag-aabang na kami ngayon ng taxi upang masakyan namin papuntang South kung saan ako nakatira noon.




++++++++++++



Pagkababa namin ng taxi ay parang bumabalik ang lahat ng masaya at masasakit na alaala sa lugar na'to.
Pumikit ako at dinama ang preskong hangin ng probinsiya.

“Kinsa na?” (Sino ‘yan?)

“Balo. Basig bag-ong mamuyuay deris baryo nato” (Ewan. Baka bagong maninirahan dito sa baryo natin)

“Basig naay kaliwat deri ug niduaw lang” (baka may kamag-anak dito at bumisita lang)

Napabuntong hininga ako. Kahit kailan talaga ay hindi mawawala ang mga chismosa. Sa may kalayuan ay tanaw ko na ang pulang gate namin. Medyo kumupas na ang kulay nito.

“Mama, my legsh huwt. Can we shtop a little?"

Napatingin ako sa anak ko na umupo sa sahig ng kalsada. Huminto ako sa paglakad at umupo sa harapan niya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng suot kong pantalon at pinunasan ang kaniyang pawis.

Make Me Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon