Chapter 41: Imprisoned
Cassandra's POV
Nagising ako sa isang madilim na lugar. Isang kweba...
Napakasakit ng ulo ko at hindi ko alam kung anong nangyari at bakit ako nandito.
"Arrest them!" sigaw ng lobo na kausap namin.
"Wait, what?" naguguluhang tanong ni Trisha.
Natigil ang mga Drolf sa paglakad papunta sa kinaroroonan namin dahil kay Trisha.
"Bakit n'yo kami ikukulong? We can talk this out!" si Trisha.
Napangiti naman ang pinuno ng lobo at napatingin sa baba bago nag-angat ulit ng tingin saamin, looking amused.
"This is clearly a trespassing. You came to our territory without our permission, Miss. And no, we can't talk this out. You, along with others break our law so we have to arrest you"
Tinignan ko ang pwesto kung nasaan si Jake at base sa kaniyang reaksyon ay alam kong hindi n'ya nagugustuhan ang nangyayari.
Halata na din ang pagod n'ya at ang mabili na pag taas-baba ng kaniyang dibdib dahil sa hingal.
"You can't do that to us" mahinahon n'yang sabi habang nakatingin nang diretso sa Drolf.
Maya-maya ay nagulat kaming lahat nang bumagsak si Jake sakaniyang kinatatayuan! Tinawag ko ang pangalan n'ya ngunit hindi s'ya sumasagot.
"Well, we can. Come on, we don't have enough time" sabi n'ya habang nakatingin kay Jake na nakahiga na sa lupa.
Pinanood ko din kung paano unti-unti na nahulog sa lupa si Liro at Trisha.
Anong nangyayari? Bakit sila nagsisibagsakan?
Hinarap ko si Blizz na naguguluhan din sa nakikita sa mga kasamahan namin. Bago pa kami makapag-usap ay naramdaman na namin ang pag tusok ng kung ano sa aking braso.
Nanalaki ang mata ko nang makita ang isang kahoy na patulis habang naliligo sa isang kulay berde na likido na nakahalo sa dugo na nalabas sa kung saan ito natusok.
Tinanggal ko ito mismo saaking braso dahilan para mapailing ako sa sakit bago ito tinignan nang mabuti.
May lason...
Unti-unting bumigat ang aking ulo at unti-unti na nanlalabo ang aking paningin. Kung ano man ang lason na nilagay nila doon ay alam kong mabisa dahil tulog na ang kasamahan ko.
Tulog lang sila...at mukhang susunod na ako.
Sumakit ang ulo ko nang maalala ang nangyari saamin kanina. Nasa loon kami ngayon ng kweba at nakahiga sa sahig na puno ng putik. Ang mga kasamahan ko ay tulog pa rin maliban sa isa na nakaupo na sa tabi at nakatingin sa labas.
BINABASA MO ANG
Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)
FantasyTo be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage until she realized she was more than just a regular girl. She comes from a magical realm with a tragic history. The battle between Quins and In...