Prologue

5.4K 195 32
                                    


Prologue

"You need to protect your child!" sabi ng babae sa lalaki na nakatitig sa kaniyang anak habang natutulog.


"But I can't let her live alone, not in that world! You know that," matigas nitong sabi.


Nagpalakad-lakad ang babae na animo 'di s'ya makapaniwala sa desisyon ng kaniyang kausap. Kahit na anong pilit n'yang gawin ang gusto n'ya ay walang nangyayari. Hindi talaga nakikinig ang lalaki sa kaniya!


Tumayo ang lalaki at lumabas sa kwarto ng bata kaya sumunod sakaniya ang babae papunta sa kusina kung saan kumuha ng inumin ang lalaki bago s'ya matalim na tinignan.


"It is the best way to protect her from this world! Alam mo iyon! Nanganganib ang buhay n'ya hanggat nandito s'ya sa atin. This war will never end anytime soon, you know that!" sigaw ulit ng babae sa lalaking parang wala pa rin naririnig.


Nakatingin lamang s'ya sa kawalan na tila nag-iisip nang malalim. Hindi alam kung tama ba ang gagawin na desisyon. Iniisip n'ya kung susundin ba ang sinasabi ng kasama o susundin n'ya ang kaniyang kagustuhan.


Alam n'ya na ang desisyon n'ya ay maaaring ikapahamak ng kaniyang anak. Alam n'ya rin na tama ang sinasabi ng kaniyang kausap pero nahihirapan s'yang sundin ito.


"Hindi ko kaya! I can't let her go. She's all I have. Walang magbabantay sakaniya doon!"


"Meron! You have your parents! We can trust them. Just please...Kailangan n'yo na umalis." Halos magmakaawa na ang boses ng babae para lamang mamulat ang lalaki sa kaniyang desisyon.


"Listen to her," ani ng bagong boses.


Napatingin silang dalawa sa lalaking kakapasok lamang ng kusina. Hindi na sila nagulat sa presensya ng dalawa. Ang isang lalaki ay kumuha rin ng baso at nagsalin ng tubig sa baso bago uminom habang ang isa ay nakatayo lamang sa gilid.


"May nalaman kami."


Tumingin sakaniya ang tatlo na naghihintay sa kung ano ang sasabihin nito.


"Nagbabalak ulit silang sumugod dito. Hindi natin alam kung kailan pero baka bukas o sa makalawa."


"Saan mo nakuha iyan?" tanong ng babae.


"Nag espiya kami sakanila," sagot ng lalaking umiinom ng tubig.


Kita ang pagkagulat at pagkalito sa mukha ng lalaki dahil sa narinig. Alam n'yang sa ayaw at sa gusto n'ya ay kailangan n'yang mailayo ang kaniyang anak para protektahan sa paparating na digmaan. Hindi n'ya kayang isugal ang buhay ng kaniyang anak dahil hindi n'ya na kakayaning maulit ang nangyari sa kaniyang minamahal na Ina ng kaniyang anak.


"You have to go now! Just go!" sabi ng lalaki habang nakatingin sa naguguluhan na lalaki.


"What about your son?" tanong nito.


Nilapag ng lalaki ang baso bago ito humarap sa mga kaibigan.


"Don't worry, I know him...He'll understand," sabi nito.


Bumuntong-hininga ang lalaki dahil alam n'yang wala na s'yang magagawa. Tumayo ito at humarap sa mga kaibigan.


"Fine. Tomorrow, we'll leave."


Nagsitanguan ang mga kaibigan n'ya bago s'ya binigyan ng malungkot na ngiti.


"Use this."


Agad na sinalo ng lalaki ang vial na ibinato ng lalaki sakaniya. May laman itong kulay silver na likido na medyo nausok pa. Tinignan n'ya ang lalaking nagbigay sakaniya nito bago tumango.


"I know it's hard but this is the only way," sabi nito sabay tapik sa balikat ng lalaki na nakatingin sa vial na kaniyang hawak.


"I know...This is the only way to protect my child...The one who holds the power that can destroy the darkness."


"She will soon bring back the peace, justice and light to this world."


"She'll return someday, when she's ready."


Pumunta ang lalaki sa kwarto at tinignan ang kaniyang anak na natutulog.


"She'll end this war and start the new era with her power."


"Because she's....


"The Princess of the Moon"

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon