Chapter 22: Incant killersCassandra's POV
Ilang araw ko dala-dala ang kalituhan kung sino ang batang lalaking nakita ko sa aking panaginip. Bakit ko s'ya napanaginipan? ano ang koneksyon ko sa kanya? kapamilya ko ba s'ya o sadyang panaginip lang iyon? Sinabi n'ya ay tinatawag na kami ni tito which is tinutukoy n'ya si dad? kilala n'ya si dad?
Ilang araw na ang nakakalipas simula nang mag hanap ako ng impormasyon sa library tungkol sa mga Quins at hindi ko na namalayan na nakaka dalawang linggo na ako dito sa magic world.
Dalawang linggo palang pero lalong dumadami ang mga tanong at mga pangamba ko. Maraming palaisipan ang bumabagabag saakin sa panibagong araw ko dito.
Nung pangalawang beses ko sa Hideout ay nag training na kami ni Belle ng sabay. Tinuturuan ako ni Belle kung paano mag kontrol ng sariling emosyon at sa totoo lang ay hindi iyon madali. Nahihirapan ako doon kaya nilalaan ko ang free time ko sa pag training.
Sabi ni Belle ay sa susunod na punta ko sa hide out ay ituturo n'ya saakin ang mga dapat ko pang malaman tungkol sa organization at mag t-training ulit sa pag kontrol ng emotions ko.
'Yun lang daw muna ang pagkakaabalahan namin dahil masyado pa daw maaga para sa mabibigat na training. Sa hindi namamalayang oras at panahon ay ngayon na pala ang aming muling pag tungtong sa hideout.
Naghahanda na ako ng aking kakailanganin para pumunta sa hide out kasama si Belle na ngayon ay ako nalang ang hinihintay. Nang masiguro kong ayos na ang lahat ay inaya ko na s'ya umalis.
Tinamad na si Belle maglakad kaya ginamit n'ya na ang wand n'ya para mapabilis ang pag punta namin doon. Sinabi n'ya din saakin na ginamitan n'ya ng spell ang katawan namin nung unang punta namin sa hideout kaya kami lumiit.
Ginagawa lamang ni Belle iyon kapag tinatamad s'ya, katulad nalang ngayon. Hindi kasi inaallow ang palaging paggamit ng magic sa academy.
Pagpunta namin sa Hideout ay pumunta na kami sa aming training room. Pinayagan kasi si Belle na iisa nalang ang room namin para matutukan ako ng maayos.
Umupo muna ako para magpahinga at kumuha ng tubig habang si Belle ay kinakausap ang isang student sa may pintuan ng training room.
Lumingon saakin si belle.
"Pinapatawag daw ako ni Master Jake. Dito ka lang muna, ah." sabi n'ya.
"Sige!" sagot ko at nagpatuloy sa ginagawa.
Nang makaalis na si Belle ay sinimulan ko ang aking pagsasanay kahit ako lang mag isa. Kumuha ako ng salamin para alam ko kung tama ba ang ginagawa ko.
Ngayon ay blue parin ang kulay ng aking mata dahil wala naman akong naramdaman na iba. I'm not angry, sad or even happy kaya blue parin ang mata ko which is my normal eye color.
Nag focus ako sa aking pakiramdam. Dabi kasi ni Belle ay Its either maglabas ka ng emotion to fool people or control it to hide your true feelings. Ang mag kunwari na 'yun ang nararamdaman mo o ang itago ang tunay mong nararandaman.
BINABASA MO ANG
Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)
FantasyTo be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage until she realized she was more than just a regular girl. She comes from a magical realm with a tragic history. The battle between Quins and In...