Chapter 27

1.3K 74 3
                                    


Chapter 27: Cold

Cassandra's POV

"You may now leave, Ms. Soulford. If you feel something strange or pain, don't hesitate to come back here." sabi ni Ms. Danesy.


Ngumiti ako sakaniya. "Thank you po." I said.


Niligpit n'ya ang mga gamit n'ya bago umalis. As soon as Ms. Danesy left, I started packing my things. Belle's not here right now so mag-isa lang ako sa kwartong 'to.


Natapos akong mag-ayos ng gamit ko. Kinuha ko na iyon at nag-lakad papunta sa pinto. Hinawakan ko ang handle at aakmaing buksan nang maunahan ako ng nasa labas.


"What are you doing here?" medyo gulat kong sabi kay Jake na ngayon ay diretso lang ang tingin saakin.


Tinignan n'ya ang dala kong mga gamit at ang aking likuran. Ibinalik n'ya ang tingin saakin bago mag-salita.


"I'm here to remind you about our training" malamig n'yang sabi.


Napa-singhal ako nang dahil doon. Seriously? Hindi pa nga ako nakaka-alis dito!


"I know. Natatandaan ko, so you don't have to remind me, okay? Tsaka, Can you atleast give me some time to rest? ngayon palang ako lalabas dito, noh!" inis kong sabi.


Naiinis ako sa part na pinuntahan n'ya pa talaga ako ngayon. Ngayon na kakalabas ko palang ng clinic! scratch that! Hindi pa ako nakakalabas ng clinic!


Walang pagbabago sa reaksyon n'ya kahit nang sabihin ko ang mga bagay na iyon. Nadag-dagan lalo ang inis ko sakaniya.


Nangungunot noo ko s'yang tinignan, hinihintay ang sasabihin n'ya ngunit nakatingin lamang s'ya saakin kaya napag desisyunan ko na umalis na.


Humakbang na ako palabas at nilagpasan s'ya pero bago ako tuluyang maka-alis ay hinigit n'ya ang braso ko.


Tinignan ko s'ya na nagbabanta. Sinuklian n'ya iyon ng isang kalmadong tingin.


"12 noon at my office" tsaka s'ya nag-lakad palayo.


Nalaglag ang panga ko sa nasaksihan. What the hell! Anong problema n'ya? mas malamig pa s'ya sa yelo na kaya kong ilabas!


Parang nung isang araw lang ay medyo maayos ang pag-uusap namin tungkol sa training na sinabi n'ya. Then now!..ang cold n'ya naman.


Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatunganga malapit sa pinto ng kwartong nilabasan ko. Mabuti at wala gaanong Incants na naglalakad.


Naglakad na ako papunta sa dorm.


"Soulford, 367"


Nang bumukas ang pinto ay bigla kong naramdaman ang pagka-miss sa dorm na ito. Niligay ko ang gamit ko sa upuan tsaka ako pa dapa na humiga sa kama.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon