Chapter 5 : Welcome to Magic worldCassandra's POV
Nadatnan ko nalang ang aking sarili na nasa loob ng aking kwarto kasama ang detective conan na lumabas sa mapunong bahagi ng ampunan.
Paano s'ya nakapasok? Hindi ko rin alam...
Bigla nalang s'yang lumitaw sa tapat ng pintuan ng kwarto namin nila Meigan. Kinabahan pa ako na baka may makakita sakaniya at sabihin na nagpapapasok ako ng kung sino sa kwarto.
"So? Mind explaining me what's really happening?" tanong ko sa kaniya na nakatingin sa kabuuan ng kwarto.
Tumingin s'ya sa akin at ngumiti.
Sa totoo lang ay natatakot ako pero hindi ko pinapahalata iyon. Iba ang aura n'ya. Mabigat pero may dating. Kung hindi lang talaga s'ya nangiti ay matatakot talaga ako.
"To start everything, let me introduce myself first to you, Madam," sabi n'ya at pinagpag ang kaniyang kamay sa kaniyang damit.
"I'm Peter Lim, at your service. I'm here to protect you and send you home safely and completely," sabi n'ya at inabot ang kaniyang kamay sa akin.
Nang hindi ko iyon tanggapin ay nagkibit-balikat nalang s'ya.
Send me home...safely and what!?
"What do you mean by 'completely'?" gulat kong sabi.
Natawa naman s'ya sa tanong ko. "Don't worry, you'll get use to my words, Madam. Sa trabaho ko ay hindi mawawala ang ganiyang mga klase ng...salita," sabi n'ya.
Pinagkrus ko ang braso ko at tinitigan s'ya nang madiin, sinasabi na hindi ako nakikipagbiruan sakaniya ngayon dahil kailangan ko ng maayos na sagot.
"Okay, ikaw na ang magtanong at ako ang sasagot," sabi n'ya.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi n'ya at inisip ang aking itatanong. "Bakit mo ako sinusundan?"
"Simple lang! I'm guarding you to any possible threat, that's my duty as your guardian," sagot n'ya.
Kanina ko pa naririnig ang salitang 'guardian' sa kaniya. Ano bang klaseng guardian s'ya? Bakit naman kaya ako magkakaroon ng isang katulad n'ya para magbantay?
"Ako lang ba ang nakakakita sayo?"
Unti-unti s'yang tumango sa akin. "Ang galing, 'diba? Ayun ay dahil hindi ako pwedeng makita ng mga normal na...tao."
Natigilan ako sa narinig. Ibig sabihin ay hindi s'ya normal na tao? Eh, ano s'ya?
Napalunok ako at inisip kung tama ba ang desisyon ko na papasukin s'ya. Maniniwala ba ako sa sinasabi n'ya?
BINABASA MO ANG
Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)
FantasyTo be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage until she realized she was more than just a regular girl. She comes from a magical realm with a tragic history. The battle between Quins and In...