Chapter 35: Adventure
Cassandra's POV
Natulala ko nang ilang sandali dahil sa sinabi ni Jake. Nag paulit-ulit iyon saaking pandinig dahilan para matahimik ako.
Did he mean it?
Umayos s'ya sa pagkakaupo at tsaka s'ya tumikhim. Nakatingin na s'ya sa malayo at 'di na tumitingin saakin.
"Magkita nalang tayo bukas para sa meeting, Ms. Soulford. Kailangan natin pag-usapan ang sunod na gagawin."
Tumayo s'ya pero hindi ko alam kung bakit pilit ko s'yang pinigilan. Tumingin s'ya saakin nang blanko ang ekspresyon.
Na mental block naman ako at hindi ko na alam kung ano ba ang sasabihin ko o miski ang dahilan kung bakit ko s'ya pinigilan. Damn...
"U-uhm...ano...A-anong oras bukas?"
Ayun nalang ang nasabi ko sa dami ng gusto kong sabihin. Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. Napansin n'ya kaya ang kaba ko?
Stop, Cassandra. Masyado ko kasing nagpa-apekto sa sinabi n'ya sa'yo eh.
Tandaan mo. Pinapahirapan ka n'ya at kaninang umaga lamang ay galit ka sakanya!
Unti-unti kong binaba ang kamay kong humawak sa coat n'ya.
"Morning. Sa office tayo ni Ms. Samantha" sabi n'ya bago tuluyang umalis.
Nanatili ako sa aking inuupuan at prinoseso ang lahat nang nangyari. Ano bang nangyayari saakin? Parang kinalimutan ko agad ang nangyari sa pagitan namin kung maka-salita!
Pero bakit s'ya gan'on? Kaninang umaga lamang ay pinagalitan n'ya kami sa meeting at ngayon ay todo ngiti at asar s'ya saakin? Dahilan pa kaya ako sinugod ni Fiona at masampal!
I guess he didn't mean all of that. Not one of what he said is true. He just want to have some fun tonight. Lahat ng pinakita n'ya saakin ngayon ay ngayon lamang. Kaya hindi na dapat ako mag e-expect bukas.
Ewan ko ba pero may kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Siguro ay nanibago lang ako. Ibang-iba sila ni Liro kaya dapat si Liro lang ang pinapansin ko ngayon. S'ya ang partner ko at hindi si Jake pero mas nakasama ko s'ya ngayon kaysa kay Liro.
I felt so guilty. Dapat ay bumalik na ako.
"Hoo."
Tinignan ko kung saan iyon nanggaling at nakita ko nanaman yung uwak.
Kainis! S'ya nanaman!
"Hoy uwak! Nakakailan kana saakin ha!" Pag kakausap ko sa uwak na para bang naiintindihan ako nito.
BINABASA MO ANG
Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)
FantasyTo be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage until she realized she was more than just a regular girl. She comes from a magical realm with a tragic history. The battle between Quins and In...