Chapter 4 : GuardianCassandra's POV
Nagmukmok ako magdamag dahil sa pag-alis ni Meigan. Ngayon palang ay namimiss ko na s'ya! Oras palang ang nakalipas pero nalulungkot na ako nang sobra. Tumingin ako sa may kabilang higaan na ngayon ay bakante na. Kanina pa ako umiiyak dito sa kwarto dahil hindi ko maisip na umalis na nga talaga s'ya.
Umalis na ang best friend ko...
Kahit anong gawin ko ay ayun ang katotohanan. Umalis na si Meigan dahil kasama na n'ya ang totoo n'yang mga magulang. Dapat ay masaya ako dahil isa na sa amin ang matutupad ang pangarap. Isa na sa amin ang magkakaroon ng magandang buhay katulad ng sinabi ni ate Kim.
Pero hindi ko magawang magsaya sa sandaling ito.
Natigil ako sa pag-iyak at dali-dali ko itong pinunasan nang may kumatok sa pintuan.
"Cassandra? Gising ka ba? Hindi ka ba lalabas d'yan? Mag ta-tatlong oras kana d'yan sa loob. Hindi ka ba nagugutom?" tanong ng boses na alam kong si ate Kim. May halong pag-aalala ang tono non.
"Lalabas na rin po, ate Kim!" sabi ko.
"Sige, sumunod ka ha!" sabi ni ate Kim kasabay ng yapak n'ya palayo sa pintuan.
Naisip ko kasi na hindi sagot ang pagmukmok dito sa kwarto para mawala ang lungkot ko. Iisipin ko nalang na babalik pa s'ya para dalawin ako. Hindi naman na rin kami mga bata para 'di makagawa ng paraan para magkita. May mga internet naman at ibang connection na pwede. Tawag o text.
Tatayo na sana ako nang sumakit nanaman ang aking palapulsuhan.
Ilang beses na itong sumasakit simula nung nakaraan? Ilang beses na rin akong nakakaramdam ng kakaiba sa katawan ko? Dati na akong nakakaramdam ng ganito pero hindi ko pinapansin. Ngayon ay parang lalong lumalala ang sakit na hindi ko na ito kayang balewalain!
Sa mga nagdaan na mga birthday ko ay 'di ko maiwasang makaramdam na parang may nagbabago sa akin. Unti-unting may nangyayari na 'di ko mapaliwanag. Ang alam ko lang ay may iba akong nararamdaman sa aking katawan.
Para bang may gustong kumawala sa katawan ko. I started feeling something strange when I was 7 years old. I still remember the time when I'm sleeping peacefully in my own room. Alas tres nang madaling araw. Gusto ko pumunta sa kwarto ng magulang ko pero may pumipigil sa akin na gawin iyon.
Napalingon ako sa bintana ng kwarto ko nang makakita ng isang anino. Parang anino ng isang lalaki na nakatingin sa akin. Natakot ako pero wala akong magawa dahil hindi ko maigalaw ang aking katawan.
Gusto kong malaman kung sino iyon! Kung magnanakaw ba o guni-guni ko lamang. Nang magkaroon ako ng lakas ay unti-unti akong lumapit sa bintana para tumingin. Nang medyo malapit na ako ay saka ako naliwanagan na hindi lang ito basta lalaki.
Maliit lang ang anino at parang kasing laki ko lamang ito!
BINABASA MO ANG
Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)
FantasyTo be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage until she realized she was more than just a regular girl. She comes from a magical realm with a tragic history. The battle between Quins and In...