Chapter 8 : First dayCassandra's POV.
Maaga akong nagising ngayon dahil ito ang First day ko dito sa Incantation Academy. Tumayo ako sa kama at tinignan ang orasan at nakitang 5:00 am palang. Hindi kopa alam ang schedule ko dahil wala pang binibigay saakin si Miss Samantha pero balak ko sanang pumunta sa office n'ya ngayon para makuha 'yun.
Kumain muna ako nang tinapay na meron sa lamesa dahil ito lang ang pagkain dito. Ang alam ko ay laging sa Cafeteria kumakain ang mga student dito o baka si Belle ay laging sa Cafeteria kumakain kaya walang stock dito at puro tinapay lang. Wala ba ditong bilihan manlang? kasi may stove naman dito sa loob ng dorm. Ibig sabihin pwedeng magluto. Itatanong ko nalang kay Belle mamaya pagkagising n'ya.
After eating, I walked to the bathroom. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang tignan ang tatlong marka sa katawan ko. Dalawa sa magkabilang balikat at isa sa gitna, sa baba ng leeg.
Ano kaya ang marka na ito? at bakit ngayon pa ito lumabas saakin? buti nalang at maliit lang ang mga ito. Sapat lang para matakapan ng damit na susuotin ko.
Pagkatapos ko maligo ay nagdadalawang isip pa ako kung mag u-uniform naba ako o wag muna dahil pupunta pa ako sa office ni Miss Samantha.
Napagdesisyonan ko na wag munang mag uniform dahil makakabalik pa naman ako dito sa dorm dahil maaga palang naman. Its 6 o'clock in the morning. Pagkatapos magbihis sa bathroom ay pumunta na ako sa kusina kung saan naabutan ko si Belle na kumakain.
Tinignan n'ya naman ako habang nakurap kurap pa ang mga mata. Halatang kakagising n'ya lang.
"You're early." sabi n'ya.
Umupo naman ako sa katabi n'yang upuan at humarap sa kanya. Nakapatong ang isang paa ni Belle sa katabi n'yang upuan habang ang kanyang buhok ay medyo magulo pa. Kumuha ako ng tubig sa lamesa bago ko s'ya sinagot.
"I don't know my schedule, yet. So I decided to go to Miss Samantha para makuha 'yun" sagot ko naman.
"Hm..Well dapat nga na kunin mo ang schedule mo. Malay mo mag kaklase pa tayong dalawa. Knowing that you are not just an ordinary Student? maybe Miss Clever has plans for you"
Tumango naman ako habang nakikinig sakanya. Nang matapos kaming mag usap ay nagpaalam na akong aalis na habang si Belle naman ay maliligo.
Belle's First class is 7:30 am which is Potion subject. Kung magkaparehas kami ng subject ay sasabay nalang ako sakanya mamaya. I guess kailangan kong magmadali dahil ayaw kong maghintay si Belle sakin ng matagal.
Paglabas ko sa pinto ay bumungad saakin ang hallway kung saan may ibang mga estudyante na mukang kakalabas lang din. Bumaling sila saakin at nanlalaki ang mata nila akong tinignan sabay bilis ng lakad palabas ng Building.
Weird...
Naglakad ako at hinahanap ang Main Building kung nasaan ang Office ni Miss Clever. Kung saan kami dumaan ni Guardian ay doon na din ako dumaan. Buti nalang at natatandaan ko pa ang mga kailangang likuan dahil sa sobrang daming pasikot-sikot ay maliligaw talaga ako.
BINABASA MO ANG
Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)
FantasíaTo be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage until she realized she was more than just a regular girl. She comes from a magical realm with a tragic history. The battle between Quins and In...