Chapter 6

2.4K 116 32
                                    


Chapter 6: Incantation Academy

Cassandra's POV.

Bumaba kami sa burol ni Guardian. Nakasunod ako sakaniya habang pababa. Hindi ko alam kung saan kami pupunta per sa tingin ko ay ang daan na tinatahak namin ay ang daan papunta sa malaking kastilyo na kita sa tuktok ng burol.


Tinitigan ko si Guardian na seryoso ang tingin sa dinaraanan namin. Nang maramdaman ang titig ko ay napatingin s'ya sa akin. Nagtaas s'ya ng kilay sa akin.


"Can I ask you something?" sabi ko.


"Ano iyon, Madam?" sagot n'ya naman.


"Ilang taon kana, Guardian?" seryoso kong tanong habang nakatingin sakaniya.


Tila nagulat naman si Guardian sa sinabi ko. Tila hindi n'ya iyon inaasahan.


"Bakit gusto mong malaman? Mukha na ba akong matanda?" sabi n'ya at natawa pa nang bahagya.


Sinuyod n'ya ng tingin ang paligid na dinaraanan namin. Halata sa kaniyang mukha na naninibago rin s'ya sa mga nakikita n'ya ngayon.


Umalis s'ya ng mundo na ito para sa akin. Iniwan n'ya ang mundo n'ya para gawin ang trabaho n'ya.


"Hindi naman. Mukha ka nga na bata, eh. Let  me guess! You're just 25? 27? or...30! Final na ang 30!" sabi ko habang iniisip pa kung tama ba ang hula ko.


Kung 17 years old na ako at binabantayan n'ya na ako simula non ay matanda na talaga s'ya sa akin!


Napalingon ako sakaniya nang marinig ko ang isang halakhak. Napataas ang kilay ko dahil sa pagtataka sa naging reaksyon n'ya.


Bakit? Masyado bang matanda? Or bata!? Pero hindi ko naman s'ya kaedad 'diba!?


"22?" patanong kong sabi.


Umiling s'ya habang natatawa kaya sinubukan ko ulit na humula.


"23? or 26!?" sunod-sunod kong hula na binigyan n'ya rin ng sunod-sunod na pag-iling.


"Okay! Hindi ko kaya hulaan. Ano nga ang edad mo, Guardian?" sabi ko at medyo napahinto pa sa paglalakad na ikinahinto n'ya rin.


Humarap s'ya sa gawi ko at nakangiti na umiling. "Mali! Lahat ng sinabi mo ay mali!" pang-aasar n'ya sa akin.


Pinagkrus ko ang braso ko at tinignan s'ya ng diretso. "Ano nga?"


Tumawa muna s'ya bago tumingin sa taas at inangat ang kamay at mistulang nagbilang. Pinanood ko s'yang gawin iyon. Nang matapos s'ya ay tinignan n'ya ako.


"92 na ako, Madam," sabi n'ya na ikinagulat ko.


Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon. Seryoso s'ya? 92? Mas matanda pa s'ya kay Ma'am Lucy? What the heck! Mukha s'yang bata!


Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon