Chapter 2

2.8K 130 22
                                    


Chapter 2 : Sino ka?

Cassandra's POV.

Hindi ako nakatulog nang maayos sa pag-iisip sa sinabi ni ate Kim. Tumingin ako sa orasan at nakita na alas singko na ng madaling araw.


Bumangon ako at nagsuot ng tsinelas pagkatapos ay pumunta na ako ng banyo para mag mumog.


Tinignan ko naman ang mahimbing na natutulog na si Meigan.


Nalungkot kami parehas kagabi dahil sa sinabi ni ate Kim pero kahit na malungkot s'ya ay alam ko na mas lamang ang saya ron dahil makakasama na n'ya ang kaniyang magulang.


Napag-usapan na namin ang tungkol dito kagabi. Sinabi ko sakaniya na ayos lang na maiwan ako dahil alam ko na pwede n'ya naman akong bisitahin kahit na matagal.


Noong una pa ay kinukumbinsi n'ya ako na sasabihin n'ya raw sa magulang n'ya na isama ako sa kuhanin pero tumanggi ako dahil iniisip ko rin si ate Kim. Alam ko na ang tagal n'yang hinintay ang panahon na ito kaya ayos na ako na makita s'yang nasa maayos na kalagayan na.


Lumabas ako ng aming kwarto at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape dahil naubos na pala ang gatas. Hindi talaga ako mahilig sa kape maliban nalang kapag wala na talaga akong pampagising sa umaga.


Naabutan ko roon si ate Kim na nagluluto ng magiging almusal namin.


Napalingon s'ya sa gawi ko bago nagpatuloy sa pagluluto. "Cassandra! Ang aga mo naman magising," sabi n'ya habang nagtitimpla ako.


"Oo nga ate, eh," tunog malungkot kong sabi.


Hinarap n'ya ako nang diretso at tinignan n'ya ako ng may awa sa kaniyang mga mata.


"Alam mo, Cassandra, alam ko na nalulungkot ka sa pag-alis ni Meigan. Saksi ako sa pagsasama n'yong dalawa. Miski ako ay nalulungkot sa nangyayari pero alam naman nating dalawa na ang bagay na ito ay importante para sa kaniya," paliwanag ni ate Kim.


"Alam ko naman po iyon ate Kim. Hindi ko lang po maiwasan na malungkot. Ang dami naming pinagsamahan ni Meigan. Nasanay ako na nandyan s'ya palagi para sa akin. Kaya ang hayaan s'ya ngayon ay isang maliit na balik ko para sa kaniya dahil alam ko kung ano ang pinagdaanan n'ya," sagot ko pabalik.


Nagpatuloy si ate Kim sa pagluluto hanggang sa magsalita s'ya bigla.


"Mabuti pa, Cassandra. Sulitin mo na ang araw na ito dahil ang alam ko ay bukas ng umaga ay aalis na s'ya rito," sabi ni ate Kim dahilan para mabigla ako.


Aalis na s'ya bukas? Ang bilis naman! Tuloy na talaga ang alis niya. Base sa narinig ko ay sa amerika sila titira at magsisimula ulit.


Kung magkikita kami, kailan naman kaya iyon?


Sinunod ko ang payo ni ate Kim at dali-daling uminom ng kape. Pagkatapos kong uminom ng kape ay dumiretso na ako sa kwarto para gisingin si Meigan dahil balak kong magsimba ngayon. Sakto at linggo at papayagan kami ni ate Kim. Hindi nga lang kami pwede abutin ng gabi sa labas dahil mapapagalitan si ate Kim.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon